GIFT (TRAGIC)

2.5K 8 2
                                    

"Bukas na ang anniversary natin, anong gusto mong regalo?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Bukas na ang anniversary natin, anong gusto mong regalo?"

"Ikaw na ang bahala don, para naman ma-surprise ako diba"

Ang gusto ko sanang regalo na matanggap sakanya ay yung mag propose siya sa akin.

Nag-eexpect ako na magpo-propose siya sa mismong anniversary namin dahil gusto ko ng ikasal sakanya.

Ako si Angela at gustong gusto ko ng ikasal sa boyfriend ko na si Adrian.

"Sisiguraduhin kong magugustuhan mo ito, Mahal" Saad niya at niyakap ako.

"Siguraduhin mong magugustuhan ko yan ah, kapag yan hindi ko nagustuhan tingnan mo mangyayari" Pagbabanta ko habang nakayakap siya sa akin.

"Magugustuhan mo ito, matagal na natin gusto ito kaya yun na ang gagawin ko"

Bigla akong na excite dahil nararamdaman ko ng magpo-propose siya sa akin.

"Sige na, papasok na ako sa amin, sigurado akong hinahanap na ako nito, mag-iingat ka sa pag uwi ah" Umalis na ako sa pagkakayakap niya sa akin.

"Oo sige, kumain ka agad, aalis na ako" Saad niya at kiniss niya ako sa forehead.

Sumakay na siya at umalis na at ako naman ay pumasok na sa amin.

Umakyat na ako at pumasok na agad sa kwarto ko para makapag pahinga.

Ini-imagine ko kung paano siya magpo-propose sa akin dahil alam ko naman na yon ang gagawin niya.

Pagkatapos kong inisip ang mga maaaring mangyari bukas ay natulog na agad ako.

_______________________________________

Pag gising ko agad kong kinuha ang cellphone ko.

Pag open ko ng cellphone ko, bumungad agad sa akin ang message na galing sa boyfriend ko.

"Happy anniversary Mahal, maraming salamat sa walang sawa mong pag mamahal sa akin, hindi kita mapupuntahan ngayon pero may pinadala ako ngayon dyan na regalo para sayo, siguro na kay Tita na yon, may emergency kasi kaya hindi ako makaalis dito, sana maintindihan mo ako at sana magustuhan mo ang regalo ko sayo, mahal na mahal kita, Happy anniversary ulit, I love you!"

Hindi na ako nakapag reply dahil bumaba na agad ako para kunin ang regalo na ipinadala ng boyfriend ko.

"Mommy!" Tawag ko sa nanay ko na nagluluto sa kusina.

"Hi Sweetie, Good morning"

"Good morning mom, may regalo bang ipinadala si Adrian?"

"Meron, kunin mo doon sa sala sweetie"

Tumakbo agad ako papunta sa sala at may nakita akong isang malaking box at mga chocolates pati bulaklak na naka paligid dito.

Na-disappoint ako sa nakita ko, hindi ito ang ini-expect ko.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now