COLLAB (SAD STORY)

79 2 1
                                        

"Love!" Tawag sa akin ng girlfriend ko at agad naman akong lumapit sakanya.

"Ano yon love?"

"Start na tayo sa pagba-vlog love, ready ka na ba?"

"Ready na ako, tara mag start na tayo love"

My name is Tyron ang boyfriend ng isang famous vlogger na si Irene.

Araw araw kaming magkasama at lagi niya din akong kasama sa mga vlog niya.

Lagi nilang tinatanong kung may boyfriend na ba si Irene o wala pa.

"Love kung sabihin na kaya natin sakanila ang totoo?" Sambit niya habang kumakain kaming dalawa.

"Baka walang maniwala sa sasabihin mo love, okay lang naman sa akin na kilala nila ako bilang kaibigan mo"

"Pero love hindi na ako makapaghintay na masabi sa kanila na boyfriend kita"

"Masaya naman ako kahit hindi nila ako kilala bilang boyfriend mo, ang importante nakamit mo na ang pinapangarap mo"

"Pero love"

"Shh, sa susunod nalang natin sabihin sakanila ang tungkol dyan love"

"Uhm sige love, I love you"

"I love you too love"

Marami ang alam na magkaibigan lang kami ni Irene, matagal na kaming nag papanggap na magkaibigan lang.

_______________________________________

"Tyrone brotheeeerrrr!" Tawag sa akin ng pinsan ko, si Ian vlogger din siya.

"Hoy Ian brotheeeerr! Buti naman umuwi ka pa?" Pagbibiro ko.

"Syempre, miss ko na ang pangit kong brother eh"

"Sira ka talaga, kumusta naman ang buhay don sa France?"

"Nainip na ako don kaya umuwi na muna ako dito"

"Sikat na sikat ka na brother ah"

"Syempre ako pa, balita ko may girlfriend ka na daw? Pakilala mo naman"

"Si Irene brother fan mo din siya"

"Oh really? Vlogger din siya, right? Ang swerte mo naman brother"

"Mas swerte ako sakanya, sobrang bait non brother"

"Naka jackpot ka dyan brother, ang ganda na sikat pa"

"Tara kain na muna tayo brother"

Habang kumakain kami pinag uusapan namin ang tungkol sa buhay niya don sa France.

Masaya kaming nag uusap ng biglang dumating ang girlfriend ko, si Irene.

"Hi love" at niyakap niya agad ako, napatingin siya kay Ian.

"IAAAANNNN? OMGGGGGGG! FAN MO AKOOOO!"

"Hi Irene, vlogger ka diba?" Tanong ng pinsan kong si Ian.

"OO! PWEDE BANG MAGPA PICTURE? SORRY AH, IDOL NA IDOL KASI KITA!!!"

"Sure, brother pwede mo ba kaming picturan?"

Wala na akong nagawa kaya pumayag na ako at para din naman sa ikakasaya ng girlfriend ko to.

"Sige lang" kinuha ko ang camera na hawak ng girlfriend ko at kinunan ko na sila ng litrato.

"MARAMING SALAMAT IAN!" At niyakap niya si Ian.

Bigla akong nakaramdam ng selos pero alam kong ako lang ang mahal ni Irene kaya tiwala lang.

One Shot StoriesStories to obsess over. Discover now