Nakatira kame sa isang liblib na lugar at walang ibang tao dito kung hindi kaming magkaka-pamilya lang.
"Daddy ang tagal na natin dito pero bakit wala pa rin ibang tao sa lugar na ito?"
"Anak malabong mangyari yon dahil iilan lang ang nakakaalam sa lugar na ito" Pagpapaliwanag ng tatay ko sa akin.
"Matulog ka na, oras na, good night anak"
"Good night daddy"
Umalis na si Daddy sa kwarto ko at matutulog na sana ako ng biglang may tumawag sa akin mula sa labas.
"Kuya Alex, bumaba ka dyan" boses ng isang bata.
Tumayo ako mula sa aking higaan at tiningnan ko mula sa binta kung sino ang tumatawag sa akin.
"Kuya Alex tara dito, maglaro tayo"
"Sino ka ba at anong ginagawa mo dito?"
"Ako si Jasmine Fuentes, maglaro na tayo kuya" She smiled.
Bumaba ako para pagbigyan ang batang ito dahil nakakaawa ang kanyang itsura.
Lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Daddy.
"Saan ka pupunta Alex? Gabing gabi na" nagtatakang tanong niya sa akin.
"May bata po kasi sa labas at gusto nyang makipaglaro sa akin"
"Nakakaawa kasi ang itsura niya Daddy kaya makikipaglaro ako sakanya"
"Mag-iingat ka at umuwi ka na agad, wag kang lalayo dito anak"
"Opo, salamat Daddy!"
Lumabas na ako at nakita ko ang batang tumatawag sa akin hindi man lang siya umalis sa kanyang kinaroroonan.
"Jasmine anong gusto mong laruin natin?"
"Habulan nalang po Kuya" She smiled.
She's wearing white dress at lagi siyang nakangiti, weird.
Naglaro kami at tumagal ng ilang minuto ang aming paglalaro.
Makalipas ang ilang minuto naming paglalaro ay umayaw na ako dahil pagod na pagod na ako, habang ang kasama kong bata na si Jasmine ay hindi man lang napapagod.
"Ayoko na Jasmine, pagod na pagod na ako, hindi ka ba napagod?" Tanong ko.
"Hindi ako napapagod kuya" she smiled.
"Mauuna na ako sayo, saan ka uuwi nyan?"
Umiiling iling lang siya at nakangiti lang, nakakapagtaka talaga itong bata na to.
"Aalis na ako Jasmine, ingat ka ha"
Bago ako pumasok sa aming bahay lumingon muna ako sa kinaroroonan ng bata na si Jasmine.
"N-nasaan na yung batang yon?" Pagtataka ko.
Bigla bigla nalang siyang nawala sa kinatatayuan niya, pumasok na ako sa aming bahay.
"Anak mukhang nag-enjoy ka sa paglalaro niyo ha" Ngumiti si Daddy sa akin.
"Opo Daddy, sobrang saya nyang kalaro"
"Nasaan siya ngayon? Bakit hindi muna siya kumain dito bago umalis"
"Kase Daddy bigla nalang siya nawala sa kinatatayuan niya"
Ang masayang mukha ni Daddy ay naging seryoso na dahil sa sinabi ko.
"Ano? Bigla nalang nawala ang batang kalaro mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Opo Daddy, paglingon ko wala na siya sa kinatatayuan niya"
"Alam mo ba ang pangalan ng nakalaro mo anak?
"Siya po si Jasmine Fuentes daw Daddy, yan ang sinabi nyang pangalan sa akin"
Lalong naging seryoso ang mukha ni Daddy, at lumapit siya sa akin.
"A-anak imposible yang sinasabi mo, baka nagkamali ka lang ng pandinig"
"Hindi po Daddy, yan talaga ang sinabi nyang pangalan sa akin"
Nagkaroon ng pansamantalang katahimikan sa aming pag-uusap ng Daddy ko.
"Hintayin mo ako dyan, may kukunin lang ako saglit anak"
"Sige po Daddy"
Umalis si Daddy at pumunta siya sa lumang kwarto.
Ilang minuto ang lumipas at bumalik si Daddy na may dalang litrato.
"Anak ito ba ang nakalaro mo?" Tanong niya.
Tinignan ko ang litratong dala dala ni Daddy.
"Daddy siya nga po yung kalaro ko kanina sa labas, bakit may litrato siya sayo?"
Naging seryoso na naman ang tingin at mukha ni Daddy.
"A-anak ang nakalaro mong bata ay matagal ng patay, nagpakamatay siya noong siya ay 7 years old"
Hindi na ako nakapagsalita ng dahil sa narinig ko mula kay Daddy.
"Nagbigti siya dito sa mismong lumang kwarto, dahil laging nag-aaway ang pamilya niya ng dahil sakanya"
Hindi na ako nakapagsalita sa mga sinabi sa akin ni Daddy dahil ang kalaro kong bata ay matagal na pa lang patay.
"Apat na taon na siyang patay at hanggang ngayon hindi pa natatagpuan ang kanyang katawan, anak"
YOU ARE READING
One Shot Stories
Randomcategories: tragic, love story, horror, sad story, spg. _____________________________________ sana mag enjoy kayo sa mga historyang isinulat ko, take care and keep safe, everyone.
