MY BOYFRIEND IS A CHEATER (SAD STORY)

237 3 1
                                        

"Love tara kain tayo sa labas" I said.

"Ayoko, tinatamad ako sa susunod na araw na lang" He said to me.

"Love please, pumayag ka na hindi na tayo lumalabas, gusto ko ulit gawin yon kasama ka" Sabay yakap sakanya.

"Wag mo akong pilitin kapag ayaw ko Christine, kapag sinabi kong ayoko, Ayoko!" Sabay kumawala sa pagkayakap ko sakanya.

"S-sige sa susunod na l-lang" Nauutal utal kong tugon.

_______________________________________

Pumasok na ako sa School at kasabay ko siya ngunit nagpaalam siya sa akin na may pupuntahan siya saglit.

"Mauna ka na may pupuntahan lang ako, susunod ako" He said.

"S-saan ka pupunta? Mag-uumpisa na ang klasi niyan" Nagtatakang tanong ko.

"Mabilis lang ito, susunod ako agad" Tugon niya habang nakangisi.

_______________________________________

Papasok na sana ako sa aming Classroom nung nakita ko ang aking bestfriend, si Cassandra.

"Cassandra!" Tawag ko sakanya.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa ba papasok?" Tanong ko.

"May pupuntahan lang ako, agad din akong babalik pagkatapos" Sabi niya sa akin at umalis na.

Nakaramdam ako ng kakaiba, para bang may kikitain siya, hindi naman siya naglilihim sa akin at matagal na kaming mag bestfriend.

_______________________________________

Sinundan ko siya ng hindi niya alam, pero nagtataka ako kung bakit dito siya pumunta, bakit dito sa Basketball Court.

Nakita kong may yumakap sakanya pagdating niya na para bang pinagplanuhan nila talaga ang mga ito.

Nakita ko ang mukha ng lalaking yumakap sakanya s-si Kurt, ang lalaking minamahal ko.

Kitang kita kong nagyayakapan sila at hinalikan ito ni Kurt.

Bakit nagawa sa akin ito ng lalaking pinakamamahal ko at ng bestfriend ko.

Hindi ko mapigilang umiyak, sobrang sakit, yung taong minahal ko ng sobra at yung bestfriend ko na pinagkatiwalaan ko niloko ako.

Linapitan ko sila at napatingin silang dalawa sa akin.

"L-love" nauutal utal na tawag niya sa akin.

"L-Let me e-explain" Pakiusap niya.

"A-ano ito? Kailan pa ito?" Utal utal na tugon ko sakanya.

"Magkaibigan lang kami ni Cassan-" hindi na niya natapos dahil sinagot ko agad ito.

"Magkaibigan?! Wtf kurt, magkaibigan lang pero naghahalikan kayo?!" Galit na tanong ko.

"Nagkakamali ka magk-"

"Kurt, wag mo na akong lokohin, kitang kita ko ang ginawa niyo, hindi mo ako maloloko." Saad ko habang umiiyak.

"Kurt, kung siya ang gusto mo, sakanya ka na masaya at kung siya na mahal mo, pinapalaya na k-kita"

Yayakapin niya sana ako pero umiwas agad ako, ang sakit ng ginawa niya sa akin, hindi ko expect na magagawa nita ito.

"L-love p-please, wag mo naman a-akong iwan" Nagmamakaawa na tugon niya.

"L-love mahal na mahal k-kita, please b-bigyan mo ako ng p-pangalawang pagkakataon" Saad niya habang nakaluhod sa harapan ko.

"Tumayo ka na dyan Kurt" Sagot ko habang umiiyak.

"I love you, please wag mo akong iwan" Pagmamakaawa niya.

"I loved you Kurt, goodbye." Tugon ko.

Iniwan ko silang dalawa at hindi ko na binigyan ng pangalawang pagkakataon si Kurt, ayokong saktan niya ulit ako kaya tinapos ko na ang namamagitan sa aming dalawa.

Minahal ko siya pero sinaktan niya lang ako, ang unfair ng mundo. Kung kailan ka nagseseryoso dun ka pa niloloko.

_______________________________________

Note: para sa mga lalaking nagmamahal ngayon, umayos kayo dahil hindi sa lahat ng oras maiintindihan kayo ng mga babaeng minamahal niyo. Sabihin nating mahal ka nyan pero kahit mahal ka nyan kung puro sakit lang ang pinapadama mo sakanya magsasawa at magsasawa pa din yan, kaya ngayon pag-isipan niyo ang mga magiging desisyon niyo, gawin niyo ang tama para sa babaeng minamahal niyo, Be matured enough. wag ng magpaka immature, wag niyong ipahiya ang reputasyon nating mga lalaki.

One Shot StoriesStories to obsess over. Discover now