REVIEW (SAD STORY)

272 5 2
                                    

Nagrereview ako ng may biglang dumating na lalaki.

"Hi miss, wala bang nakaupo dito?" Tanong niya.

He is so cute and he is handsome. Pero pabebe muna.

"Ayoko! Kilala ba kita ha?" Pagsusungit ko sakanya.

"Ang sungit mo naman miss, wala naman akong gagawin na masama, makikiupo lang" Sabay kamot sa ulo.

"Sige na umupo ka na dito, umalis ka agad ha"

"Opo miss sungit, aalis din ako agad, ano nga pa lang ginagawa mo?"

"Hindi mo ba nakikita? Nagrereview ako oh!" Pagsusungit ko.

"Relax ka lang miss sungit, pwede kitang tulungan if you want?" He smiled.

"Sigurado ka bang matutulungan mo ako?!"

"Oo naman miss sungit, tulungan na kita ha"

Tinulungan niya ako sa pag rereview ko, at matalino din pala siya.

Makalipas ang ilang minuto tapos na ako sa pagrereview ko at madaling natapos ito ng dahil sa tulong niya.

"Ano nga pa lang pangalan mo miss sungit?"

"Evelyn Manalad, ikaw ba?

"Mark Acielo, mauuna na ako miss sungit, may pupuntahan pa kasi ako e"

"Sige, salamat sa tulong mo Mark!"

"Walang anuman miss sungit" he smiled again.

Simula nung araw na yon lagi na kaming magkasama at lagi niya akong pinapatawa.

Sa araw araw naming pagsasama hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sakanya dahil sobrang bait niya sa akin.

_______________________________________

Tinawagan niya ako at sinagot ko naman agad ang tawag niya.

"Oh Mark, bakit ka napatawag? Anong meron?" Tanong ko.

"Gusto ko sanang kumain tayo sa labas, bonding natin yon ganon, hindi naman tayo magtatagal dahil may lakad pa ako"

"Sige, saan ba yan?"

"Dito lang sa dati nating pinupuntaan na kainan"

"Pupunta nalang ako, maliligo lang ako"

"Sige na, hintayin kita don miss sungit"

_______________________________________

Nandito na ako sa dati naming pinupuntaan na kainan, nakita ko siya agad. Ang gwapooooo talaga shemz.

"Oh Evelyn, halika na dito, para makakain na tayo, may lakad pa kasi ako e"

Lumapit na agad ako sakanya at umupo na din.

_______________________________________

After namin kumain nag kwentuhan muna kame at hindi siya nabibigo na pasiyahin ako.

Eto na rin ata ang tamang oras para masabi ko sakanya ang nararamdaman ko.

"Mark, may sasabihin ako sayo"

"Ano yon miss sungit?"

"Kase g-gusto ki-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sakanya dahil may magandang babae ang lumapit sa amin.

"Hi babe, sino siya?"

Tumayo agad si Mark para yakapin ang magandang babae na bagong dating.

"Evelyn she is my GirlFriend Shina, Babe she is my bestfriend Evelyn"

"Hi Evelyn, nice to meet you!" Girlfriend ni Mark.

"Hi Shina, nice to meet you too!"

"Babe, tara umalis na muna tayo, may lakad pa tayo diba?"

"Miss sungit mauuna na kame, may date pa kasi kami e, ingat ka ha"

"Oo sige, kayo din"

Umalis na sila at ganon na din ako, dapat pala una pa lang sinabi ko na agad sakanya ang nararamdaman ko.

Hindi ko man lang nasabi sakanya ang nararamdaman ko, hindi ako nag-isip, pinatagal ko pa ang lahat.

Nagkikita pa rin kami ni Mark pero hindi na madalas dahil lagi na nyang kasama ang GirlFriend niyang si Shina.

Nagsisi talaga ako dahil hindi ko agad nasabi kay Mark na gusto ko siya, matagal na.

_______________________________________

Note: If may gusto ka sa isang tao, wag kang magdalawang isip na aminin sakanya ang nararamdaman mo. Wag kang matakot na mareject. Kung ayaw mong sa huli ikaw din ang magsisi. Wag mong isipin na iiwasan ka ng taong gusto mo. Wala din namang mangyayari kung hindi mo aaminin ang nararamdaman mo.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now