10PM na at wala pa rin sina Mama at Papa, umalis nagpunta dahil natutulog ako nung oras na umalis sila.
bumaba ako at pumunta sa sala at nakita kong nakaupo ang aking kapatid na si Shiella.
"Ella." tawag ko sa kaniya at lumingon naman siya agad sa akin.
"Ateeeeeee!" tumakbo siya papalapit sa akin at bigla niya akong niyakap.
niyakap ko siya pabalik at ramdam ko ang lamig ng kaniyang katawan kaya hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at umupo sa harap niya.
"Ate, maglaro tayo ng tagu-taguan?" sambit niya habang nakangiti.
"Gabing gabi na Ella, bukas nalang tayo maglaro, okay?"
"Sige na ate, please?"
"Pumayag ka na ate, minsan lang tayo maglaro e." pagmamakaawa niya habang hinihila niya ng pabahagya ang aking damit.
bored din ako nung mga oras na yon kaya pumayag nalang akong makipaglaro sa aking kapatid.
"Sige, magbibilang ako at magtago ka na, okay?"
tumalikod na ako at sinimulang magbilang.
"Isa, Dalawa, Tatlo-"
huminto ako sa aking pagbibilang dahil sa napaka lakas na hangin na nagmula sa likod ko.
"Apat, Lima, Anim, Pito, Walo, Siyam, Sampo. nandyan na ako, Ella."
tumingin ako sa ilalim ng lamesa ngunit wala si Ella doon.
isa lang naman ang alam kong mapagtataguan niya kaya pumunta na agad ako sa lumang kwarto.
ginamit ko ang cellphone ko para gamitin ang flashlight dahil madilim na sa kwartong 'yon dahil napabayaan na ito.
lumapit agad ako sa lumang cabinet at binuksan ko agad ito.
"Huli ka Ella! HAHAHAHAHAHAHA"
lumabas si Ella sa cabinet at niyakap ako ng mahigpit.
"Ang daya mo naman ate, agad mo akong nahuli."
tumatawa nalang ako at biglang nag ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Mama, at sinagot ko agad ito.
"Hello, anak?"
"Hello ma."
"Pauwi na kami ngayon, na traffic kasi kaya nalate na kami."
"Okay lang ma, ingat kayo ha?"
"Oo anak, kasama namin si Ella ngayon, tulog siya, napagod ata siya sa byahe."
"Ha? Kasama niyo si Ella? Pero-"
tumingin ako sa batang kasama ko at nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti.
"Kamukhang kamukha ko, no?" she said while wearing her creepy smile.
YOU ARE READING
One Shot Stories
Diversoscategories: tragic, love story, horror, sad story, spg. _____________________________________ sana mag enjoy kayo sa mga historyang isinulat ko, take care and keep safe, everyone.