CHAPTER 11

9K 274 24
                                    

ALEXUS MARDONI

Veronica Maze Ramirez? Hmmmm...

The very moment I saw her happily sipping her cup of coffee, my eyes never left her face. She has the face of an angel. Simple yet so stunning. Her light brown eyes sparkled as the light touched her face. Not a piece of makeup is applied on her face. She's pure and simple. Her lovely lips curved into a smile, that made her even more stunning.

Damn this woman! She managed to captured the eyes of The Beast of the global business world.

Seeing her the first time, I knew to myself that there's something interesting in her. I cannot tell but I'll know soon.

Something tells me of the word familiar.

Now I'm curious...

VERONICA

Pagkalapag ko palang ng bag ko sa lamesa, agad na nakaramdam ako ng mabigat na titig sa harapan ko. Alam ko ang titig na iyon. Alam ko rin kung sino iyon...

Nagwala bigla ang dibdib ko. Sa iisang tao lang naman naman ganito makareact ang puso ko. Pinilit kong alisin siya sa isipan ko nitong nagdaang araw pero paano ako didistansya kung ang trabaho ko, ay malapit sa kanya.

"Maze..." Bakas ang hindi maipaliwanag na bigat ng damdamin na binanggiy ni Rafaelle ang pangalan ko. Inhale exhale. Heto na ang simula, Veronica. Gawin mo na ang tama sa umpisa palang.

"Yes, sir?" Binigyang diin ko ang SIR. Para maalala ko kung saan ako nakatayo sa buhay niya. At siya, sa buhay ko.

Nakita ko kung paano nagdilim ang kanyang expresyon. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o ano. Pero isa lang ang masasabi ko, ibang Rafaelle ang nasa harap ko ngayon.

Mabuti na rin iyon para hindi na ako mahirapang mag-adjust.

"Go to my office. Now." Pinagdiinan pa ang NOW. As if naman tatakas ako?

Sumunod ako sa kanya. Sinakop ng dominante niyang aura ang buong hallway at elevator paakyat sa CEO's floor. Lahat ng nakakasalubong namin ay bahagyang yumuyuko.

Ito si Rafaelle Moretti. Lagi mong tatandaan yan Veronica. Siya, niyuyukuan ng lahat. Ikaw, iniignora ng lahat. Doon pa lang makikita mo na ang layo ng estado niyong dalawa.

Nang makarating kami sa kanyang opisina, agad niya itong nilock. Nakaramdam naman ako ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Relax Veronica. Relax ka lang. Huwag mong ipapakita sa kanyang kinakabahan ka. Be professional.

Tuwid ang pagkakatayo ko sa harapan ng desk niya habang siya ay prenteng umupo sa swivel chair niya. Ang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng upuan. Mabilis at malalim ang mga pinapakawalan niyang hininga na animoy nagtitimpi lang sa galit.

Teka galit ba siya? Bakit naman?

"Why are you ignoring my texts?" He coldly asked me. Facing me without any hint of emotion in his handsome face. Yung titig na kayang manuot yung lamig sa kaloob looban mo. Ganoon siya ka-cold.

I nervously placed both of my hands behind me. Holding it together. Nanginginig ang mga binti at labi ko. Gawin mo ang tama, Veronica.

"Sorry, sir. But your messages are not work related." Buong tapang ko itong sinagot. Kahit alam ko sa loob ko kung paano ko pinigilan ang sarili kong sagutin ang mga mensahe niya.

Maling mali na magkagusto ako sa kanya. Maling mali dahil boss ko siya. Maling mali dahil hindi ako nababagay sa kanya. Sasaktan ko lang ang sarili ko pag hinayaan ko pang magpatuloy ang magaang pakikitungo namin Sa isat isa. Kung sa kanya wala lang iyon, sa akin hindi.

The Billionaire's Broken Woman | RBS 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon