CHAPTER 25

8.1K 197 8
                                    

VERONICA

I thought everything was just a dream...

Na ang lahat ng ito ay hindi totoo...

Lahat ng sakit, lahat ng sugat na tinamo ko...

Sana imahinasyon ko lang... 

Sa malabong paningin, at nanghihinang katawan tanaw ko ang liwanag mula sa bintana. The moon is shining so full and brightly. Sinakop ng liwanag niyon ang madilim na gabi at kuwarto kung saan ako naroroon. 

Mapakla akong ngumiti. 

Paano nagagawang lumiwanag ng ganito ang buwan sa gitna ng madilim na gabi? Hindi na ko naniniwala sa pag-asang dulot  sakin ng liwanag na iyon. Ilang beses na akong sinikatan ng araw at sinilip ng buwan, ngunit walang nagbago sa sitwasyon ko. 

Everything was a blur simula noong party ng mga Moretti. Parang naglalakad lang siya noon habang hawak ni Rafaelle ang kanyang bewang. Then in a blink of an eye... dugo na ang nakikita niya sa kanyang katawan. 

Dito na ba ako mamamatay? 

Ito na ba ang katapusan ko? 

Malungkot na ngiti ang ginawa ng labi ko. Kahit anong panggap ko sa sarili ko, kahit anong takbo ko sa malayo... hindi ko parin matakasan ang nakaraan ko. Bakit ba ito nangyayari sa sakin? Talaga bang kakambal ko na ang sakit? 

I tried to reach out for the glass of water na naka patong sa lamesa. Nauuhaw ako. Nanlalambot ako... konting oras pa ay babagsak na ulit ang katawan ko. 

Gumawa ng ingay ang kadenang na nagtatali sa mga paa ko at poste sa loob ng abandonadong kwartong ito. Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang naaalala ko lang ay pinasok nila ako sa isang magarang hallway ngunit agad din akong nawalan ng malay noon.

Napa-aray ako nang sinubukan kong gumapang. Sumayad sa sahig ang mga sugat ko. Fresh pa ang iba dahil sa panglalatigo sakin ni... papa kanina. Hindi na talaga ako lulubayan ng pananakit niya... I was born to this... and maybe I would die in his arms too. 

Hindi ko na kinaya ang sakit. Hinayaan ko ang katawan kong bumagsak sa sahig. Nanghihina na ang mga binti ko. Nanlalagkit din ang braso ko dahil sa mga bagong sugat at natuyong dugo. Gusto ko na lang mamatay. Isang bala lang ang kailangan ko at matutuwa pa si Papa kung mawala na lang ako. Bakit hindi niya pa tapusin ang buhay ko?

Alam ko ang naging kasalanan ko. Ilang taon akong humingi ng tawad at ilang taon din akong nabuhay sa paninisi sa sarili ko dahil sa pagkawala ni mama. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko kung bakit siya nasagasaan noon. Masakit. Sobrang sakit.

Buong buhay kong sinubukan na mahalin ako ni Papa o kaya naman ay makita niya man lang ako bilang isang anak...

Of all I did... I just failed... 

I was hurt...

Beaten till I lose my consciousness...

Starved...

Prisoned...

And I lived the guilt of losing my mother.

NAPADILAT ako nang makarinig ng  mga putok ng baril. Sunod sunod iyon. Banda lamang sa labas ng kinaroroonan ko. 

I pushed myself up kahit na nanginginig. 

"T-tulong..." halos bulong ko nang sabi. Tuyo ang lalamunan ko dahil isang araw na akong walang kain o tubig man lang.... 

"T-TULONG!" 

With all my remaining strength and few drops of my saliva to my throat, I shouted for help. Ilang beses ko pang narinig ang mga putok ng baril at iilang pagsabog. Palakas nang palakas at palait nang palapit sa kuwarto... 

The Billionaire's Broken Woman | RBS 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon