CHAPTER 41

7.6K 171 6
                                    

VERONICA

Everything happened so fast. Sabi nga nila, ang panahon ang pinakamadayang kalaban ng mundo. Hindi mo alam kung kailan may darating, at kung kailan may aalis sa buhay mo. Minsan napapaaga, minsan naman nahuhuli. Hindi natin masabi ang mga susunod na magiging yugto buhay natin.

At kung minsan pa, may gusto tayong bagay o tao na nais nating abutin, ngunit ito pa yung ipagkakait satin ng tadhana.

May sakit si daddy. Kung kailan kami magkikitang muli, tsaka pa kami nakatanggap ng masamang balita tungkol sa kalagayan niya.

Wala na bang mangyayari sa buhay ko na ikasasaya ko na nang tuluyan? Sa tuwing nakakaranas ako ng saya tsaka naman may darating na problema. Tapos magiging masaya ulit ako, at may darating na namang problema.

I shivered at the coldness of the night. Kasalukuyan kaming nasa eroplano kasama si kuya Zero at ang doctor ko, si Dr. Rhyx. I'm glad na agad pumayag si Farrei na i-pilot ang private plane ni Rafaelle.

Pupunta kami ngayon ng Greece. Sa dati naming mansyon. Inatake daw si sa puso daddy nang malamang buhay pa ako. Hindi namin alam kung paano at kung kailan niya nalaman iyon, dahil hindi pinaalam ni kuya sa kanya ang tungkol sakin. Bago pa man iyon ay may nararamdaman na daw talaga siyang masama sa katawan niya.

"Everything's going to be okay."

Malungkot na nginitian ko si Rafaelle. He's always beside me in all the happenings of my life. "I hope so." I leaned my head on his shoulder.

"Sleep now, baby. I'll just wake you up when we get there." I just nod.

Sinubukan kong matulog. Pero hindi ako dinadatnan ng antok. Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Ang isip ko ay naglalakbay sa kung saan-saan. Matagal pa ang biyahe namin patunong Greece, halos kalahating araw kaming sasahimpapawid para makarating roon.

I'm really worried and hurt at the same time. Nag-aalala ako para kay daddy. I still want to spend time with him, to make up for the lost years. Sabik akong makita siya. Nasasaktan ako dahil kung kailan kami binigyan ng pagkakataong magkita, doon naman sumingit ang kalagayan ni daddy.

Kuya said na maliit lang daw ang tsansang mabuhay si daddy pag tinuloy ang operasyon nito sa puso. He said, daddy never showed any progress in the years of his medications. Masakit sakin na marinig iyon. Sobrang sakit. Para akong basag na vase na binubuo pa lang, nabasag na ulit.

Kailan ba ako makukumpleto? Kailan ko ba masasabing buong puso na akong masaya? Am I being unfair to Rafaelle? Mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero may puwang parin sa puso ko na hindi mapupunan ng kahit na anong pagmamahal. I longed for my father's love. At sa tingin ko, iyon lang ang masasabi kong kukumpleto ng pagkatao ko.

I never felt whole in my entire life. Pinagkaitan na ako ng pamilya sa murang edad. Minaltrato ng taong hindi ko naman pala kaano-ano. Kinuha nilang dalawa ni mama ang mga alaala ko. Nabuhay ako sa takot at sakit.

But still, thankful parin ako sa mga pinagdaanan ko.

I feel at ease when his hand held mine. Mahigpit niyang hinawakan iyon.

Thankful parin ako sa lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Lalo na ngayon at binigyan ako ng taong nagmamahal sakin at mamahalin ako ng tunay. Akala ko noon, hindi na ako makakahanap ng taong mamahalin. Oo nga, hindi ako naghanap. Nahanap niya ako. Nahanap niya ako sa gitna ng kadiliman at kaguluhan ng buhay ko.

Rafaelle is the rainbow after the storm and the moon in the darkness of night.

He's my angel. He made me feel the love that I never had my whole life.

The Billionaire's Broken Woman | RBS 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon