Chapter 33 - First day of Rehearsal

17 5 0
                                    

Alas singko palang ay nasa school na kami dahil ganon daw talaga ang pagsisimula ng rehearsal para sa Hepera De Viĺa. Hindi na ako nagbalak manggising ng kung sinong andon sa bahay kanina dahil alam kong aantukin sila kapag nanggising pa ako, alam naman na nilang ganto ang set up ng Rehearsal dahil minsan na din daw inilaban si Mommy noon at 1st Runner up sya. Not bad.

Nagpasundo ako kay Cleo dahil sya naman talaga ang partner ko at ngayon ay pare parehas pa kaming antok dito pero kailangan naming panindigan ang pagiging candidates namin.

Nandito na si kleive at kelly ganun din ang iba pang mga candidates. Nag umpisa kami sa pagpapractice ng mga heels at halos dalawang oras kaming nag paulit ulit dahil hindi masundan ng candidate ng Global Academy ang step at naaawa na din ako sa kanya dahil napakatataas ng mga suot namin ngayon, hula ko ay pinilit lang sya o hindi nya inaasahan na sya din ang ilalaban gaya ko.

Ang mga lalaki namang candidates ay nagpapractice na ng production number nila, kita kong halos lahat sila ay pareparehas na marunong sumayaw maliban nalang kay kleive dahil talaga namang dancer yan. Kung si cleo masasabi kong magaling din sya pero ngayon si kleive talaga ang kakampihan dahil sa linis at tindig nyang sumayaw

Ohh it's a beautiful world, it's a beautiful life. alright...

Yun ang intro ng sinasayaw nila habang naghahada sila sa posisyon nila, papanoorin ko pa sana sila ng magtawag nanaman ng from the top ang choreographer namin kaya wala akong nagawa kundi tumalikod at mag umpisang muli kahit nananakit na din ang mga talampakan at hita ko.

Tumagal pa kami ng halos trenta minuto bago naachieve ang gusto ni Zuyu ang choreographer namin

Ok break muna tayo girls good job! Next ay ang production ninyo.

Sabay sabay kaming parang nabunutan ng tinik dahil mabilis naming tinanggal ang mga heels namin at umupo. Grabe ganito pala kalala ang Hespera De Viĺa na ito, baka hindi pa dumadating ang laban ay mamamatay na kami sa sobrang rehearsal, first day palang ito pero nakakapagod na. Masasanay din naman daw kami sabi ni zuyu kaya ano pa ba ang magagawa namin? Andito na kami kelangan naming panindigan.

Nagkaroon ako ng oras panoorin ang production ng mga boys. Halos sabay sabay nadin silang lahat at wala na ding nagkakamali kaya binigyan na din sila ng break.

Lumapit saakin si cleo at tumabi sa inuupuan ko.

Nakakapagod talaga, kung alam ko lang na ganto ito kalala ay hindi na ako sumali
Usap ko sakanya.

Queen, wala namang bagay ang hindi nakakapagod isa pa this is our destiny wala na tayong magagawa pag igihan nalang natin, tayo ang mananalo dito Laize HAHAHA

Tumaas ang kilay ko sa sinabing iyon ni cleo, wow huh? Panalo agad? E ang gaganda't gwapo naman ng kalaban kaya mahirap mag dictate.

Umupo lang kami ni cleo habang pinapanood din ang ibang partner ng candidates. Hindi makalapit saakin si kleive dahil mahigpit na ipinagbabawal dito ang makipag usap maliban sa kapartner mo,para daw maiwasan ang kantyawan at gulo. Ayos a maganda talaga ang Hespera De Viĺa na ito.

Wala pa naman si zuyu maging si sasha na choreographer ng mga boys kaya naisipan ko munang mag phone at itinext si mommy, 8 na ng umaga kaya alam kong gising na sila.

Hi mom, break namin busy ka?

Sino yan? Si tita??

Ahh oo sabi ko kasi sakanya kagabi na magtetext ako pag break natin :-)

Ahh ganun ba??? Tagal ko ng hindi nakikita si tita Elaine last month pa ata I guess?

Maybe??why? Miss mo? HAHAHA

Under The Light Of The Moon-UTLTM ||COMPLETED||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon