Pangako
By: Surf_penn | Season 1
-COMPLETED-"Psstt"tawag sakin ni Marky ngunit hindi ko siya pinansin. Tsk mang aasar lang yan eh.
"Psstt"sinamaan ko siya ng tingin.
"Wag ka makulit"mahinang sabi ko sakanya at napasimangot naman siya. Pasalamat siya mahal ko siya.
Tumayo naman ako saka binigay kay Sir Santiago ang papers ng section namin. Ako kasi secretary eh. Pagbalik ko sa upuan ko ay narinig kong tumawa si Marky, napatingin ako sakanya ngunit ngumiti lang siya. Di ko na lang siya pinansin.
Nang mag simula na mag discuss si Sir ay tinawag niya ako para magsolve ng problem. Pagpunta ko sa unahan ay rinig ko ang mga tawanan ng aking mga kaklase.
"Roshni, meron ka ba??"tanong ni Sir at nanlaki ang mata ko.
"May tagos ka kasi"sabi niya at napatingin ako kay Marky. Tawa siya ng tawa, tumakbo naman ako palabas ng room at pumunta sa cr. Tinignan ko ang palda ko at may pula dun.
ARGHH LAGOT KA SAKIN MARKY!
"Aishh pano na toh"inis kong wika at napaluha na lang. Lagi na lang niya ako pinagtritripan. Nagkulong lang ako sa cubicle, at maya maya ay may kumatok.
"Oh magpalit ka ng palda"--teka boses lalaki yun ah. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Marky. Kinuha ko yung palda at sinarado ng malakas yung pinto.
Pagkatapos ko magpalit ay andun parin siya.
"Oh masaya ka na??Napahiya mo na--"naputol ang sinasabi ko ng bigla niya akong yakapin. "Sorry.."sabi niya at tinignan ako.
"Gusto ko kasi lagi kitang inaasar eh..para mapansin moko..kasi yung bestfriend ko lagi pinapansin mo..nginingitian mo..pero ako kahit isang ngiti lang di mo magawa..alam ko kung bakit hindi moko pinapansin kasi nga lagi kitang pinagtritripan..nagseselos na nga ako kay Mark...kasi yung babaeng mahal ko siya lagi ang pinapansin..."saad niya sakin at bumalik sa room. Mahal niya ako?? Pero bakit?
______________
Writer's Note:
Thank you for reading! I hope you like it.
Ano kaya ang gagawin ni Roshni? Sasabihin niya ba kay Marky na mahal niya rin ito?
O mananahimik na lamang siya dahil sa takot na masaktan muli?
ABANGAN