Kabanata 2
Everything happened so fast it's almost a blur.
Napapikit ako ng ilang beses sa gulat. Narinig ko rin ang pag singhap ng mga taong nakapaligid sa amin.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at agad uminit ang pisngi ko nang mapagtanto kung ano ang posisyong kinalalagyan namin.
Nanatili ang ngisi at pagkamangha ni Rael. Nauna siyang tumayo at agad inilahad ang kamay para alalayan akong tumayo.
I swallowed hard before accepting his hand. Nang makatayo ay saka ko lang naramdaman ang panginginig ng tuhod ko dahilan sa magkahalong kaba at takot.
May narinig akong sumipol hindi kalayuan sa amin. Ginising ako ng sipol na iyon sa realidad kaya agad ko hinigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Rael.
He licked his lower lip bago nilingon ang sumipol. Sinundan ko ang tingin niya at nakitang si Arlo 'yon, ang crush ni Nat na tinuro niya kanina. Nakita kong nakangisi si Arlo habang masama ang tingin ni Rael sa kanya.
Huminga ako ng malalim. Alam ko na dapat akong magpasalamat dahil kung hindi niya ako nahila ay baka tumama na sa mukha ko ang bola.
Naisip ko na kung tumama nga 'yon, malamang ay sa mukha ko nabasag ang salamin at nasira na ang ilong ko!
"Uh, s-salamat!" my voice trembled.
Sa narinig ay agad bumaling sa akin si Rael. Tumaas ang isang kilay niya bago tumango, ngumuso siya ng bahagya at itinagilid ang ulo na tila sinusuri ako sa pamamagitan ng naniningkit na mata.
Uminit ang pisngi ko sa paraan ng paninitig niya sa akin. It may be because he's too handsome for his own good that he does everything with confidence. Sa bawat galaw niya ay tila kaya niyang lusutan ang lahat ng bagay.
"Contreras, hatid mo sa clinic!" narinig kong utos ni Sir Chase.
Kumunot ang noo ko. Sa narinig kong 'yon ay saka ko palang pinakiramdaman ang sarili. Nilipat ko ang tingin sa aking katawan. Wala naman galos o masakit. Hindi ko na kailangan pa pumuntang clinic.
Nag - angat ako ng tingin para sana tumutol pero naharangan na ni Rael ang tingin ko kay Sir Chase.
He arched a brow, sinusuri pa rin ako. Humugot ako nang malalim na hininga bago umiling.
"Hindi na kailangan, okay lang ako," I said quietly.
I hold his gaze for a few seconds. Nakita ko na gumuhit ang pagkalito at iritasyon sa kanyang mukha. Rael licked his lower lip and I saw his adam's apple moved.
Humugot siya nang malalim na hininga bago nag iwas ng tingin at lumayo nang kaunti para makita ko muli si Sir. Sana ay hindi siya na- offend sa sinabi ko.
"Sir, hindi na po kailangan. Wala naman masakit," I said.
Umiling lang si Sir. Tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. Sumenyas siya kay Rael bago kami tinalikuran. I sighed. Hindi naman na kasi talaga kailangan.
"Let's go!" he orders, firmly but softly.
Tinignan ko siya at nakita ang seryoso niyang mukha. Inilahad niya muli ang kamay sa akin para alalayan ako pero mabilis akong umiling. Kaya ko naman maglakad.
Narinig ko ang bulungan sa gilid kaya bahagya akong napatingin sa mga kaklase ko na hanggang ngayon ay nanunuod at gulantang pa rin sa nangyari.
When my eyes found Natasha, sinenyasan niya lang akong sumunod na. Huminga ako ng malalim bago tumango.
Kainis. Ang akala ko ay nagtagumpay na akong hindi makakuha ng kahit anong atensyon sa mga nagdaang araw, bawing bawi naman ako ngayon.
Natanaw ko ang likuran ni Rael. Alam ko na hindi niya naman kasalanan na siya ang inutusan ni Sir para dalhin ako sa clinic, sa totoo nga ay thankful din ako sa ginawa niya para sa akin...
BINABASA MO ANG
Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]
RomanceCosta Del Sol Series #2 (COMPLETED) Matea is different. While other people ask for attention, all she wants is to disappear. It is the main reason why Rael Contreras got curious. Annoyed with his insensitive interest, Matea asked him to stop. Not...