Kabanata 14

7.3K 253 25
                                    

Kabanata 14

It was really him.

Hindi ako nananaginip.

I was too preoccupied with my erratic heartbeat and trembling self the whole ride home pero hindi nakatakas sa akin ang kwentuhan nina Jacq at Vela.

"That was Rael Contreras!" siguradong sabi ni Jacq.

Kanina pa ako nakapikit. I bet they thought I fell asleep already. I swallowed hard to calm myself.

"What?" si Vela sa nalilitong tono.

"The guy who saved Matea, that was Rael Contreras. Hindi ako pwedeng magkamali!" he said.

Pagpasok na pagpasok ko sa sasakyan, nanikip na ang dibdib ko at nahirapan akong huminga. Paulit - ulit ang paghinga ko nag malalim para kumalma.

Now, it's starting again because of their conversation.

Narinig ko ang pag singhap ni Vela.

"Really?!" Vela exclaimed. "That's why he's so intense! He even kicked Matea's stalker! He looks really angry!"

"I saw it too," si Jacq.

"Ugh, sayang! Dapat pala nagtagal kami, ni hindi nakapag pasalamat si Matea!"

Hindi sila natigil sa pag - uusap tungkol kay Rael at kung gaano siya kagaling bilang tagapanguna sa mga kumpanya ng mga Contreras.

Nagpasalamat ako sa dalawa nang tuluyan nila akong binaba sa condo. Since may schedule din naman kami bukas, pinadala ko na muna kay Jacq ang sasakyan para hindi na sila mag commute pauwi sa kanila.

Pagpasok ko sa condo ay agad akong dumeretcho sa kwarto. Binalibag ko ang bag ko kung saan at ibinagsak na ang sarili sa kama.

I feel extra exhausted today.

Sa tingin ko ay dahil sa kwentuhan ng dalawa tungkol sa kanya, I can't seem to get him off my mind.

I also can't seem to grasp the idea how easily the memories of the past came crawling back at me in just a short period of time.

Nanunuot pa rin sa alaala ko lahat, simula umpisa hanggang huli.

Though I kept chanting in my head that I'm not the same girl as before. Hindi na kasi talaga dapat ako naaapektuhan ng ganito.

Through the years, I've trained myself not only to numb the pain but also, to stop thinking about unnecessary things.

What I don't understand tonight is that I can't seem to stop thinking about it. The sight of him must've triggered my subconscious mind.

Not only that, cause the sight of him managed to break my heart still.

This isn't fair.

Pakiramdam ko ay tinraydor ako ng sarili ko.

How can it be possible. It's been years pero bakit sa unang beses ko siyang makita ay puro masasayang alaala ang nanguna sa akin.

It's not possible that everything is still here, all of it. Including the late night phone calls, the sudden road trips, everything that was said, including the lies...

Pumikit ako nang mariin.

This isn't fair.

I want my control back!

I tried to distract myself with work, ang kaso ay paano ko gagawin kung si Jacq at Vela ay hindi pa rin matigil sa obsession nila sa lalaking 'yon.

"Anong feeling nang iniligtas ng isang Rael Contreras?" bungad sa akin ni Jacq kinabukasan, nakangisi.

Pinigilan ko ang sarili ko umirap.

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon