Kabanata 19
This is what I realized, people make mistakes all the time. Everyday, every minute, every second, someone out there is failing.
They are failing someone they love.
They are even failing someone they don't care about.
One mistake can ruin your life, worst is it can also ruin other people's lives as well.
The question is this, are those mistakes really more important than our love for them?
I never thought I'll find myself in front of this man ever again.
Maybe because I am so sure that the endpoint of my hatred is indifference.
Magigising ka nalang isang umaga at wala na ang galit, pero wala ka na rin maramdaman kahit ano. Natapos nalang ang koneksyon, nawala bigla ang nakaraang ugnayan, wala ka nalang talagang amor o pakialam.
Hindi siya madalas pumasok sa isipan ko sa loob ng mga nakaraang taon, pwera kapag nakakakita ako ng isang masayang pamilya.
Lalong hindi ko inaasahan na sa kanya ako dadalhin ng sugatan at lito kong puso.
Kinagat ko ang labi ko habang tinitignan ang lalaking una kong minahal higit sa lahat.
He looked different, almost foreign. Kung mayroon man natirang pamilyar, iyon ang mga mata niyang punong - puno pa rin ng pagmamahal para sa akin.
Hindi nagbago, tila walang pinagdaanan, parang hindi inabanduna ng matagal na panahon.
Nga lang, hindi sapat ang pagmamahal niyang 'yon noon pa man, dahilan para iwan niya ako, kami ni Mama ko.
Ngumiti si Papa sa akin at agad inatake ng kirot ang puso ko.
Malaki ang itinanda niya, pero nanatili ang kakisigang dahilan kung bakit kinababaliwan noon pa man. Bagama't pumuti ang ilang hibla ng buhok, nanatiling maayos tignan.
Mas malusog ang pangangatawan at mas payapa kumpara noong huling gabi ko siyang nakita.
Mula sa hindi makapaniwala niyang mukha ay nagsimilang mag - unahan ang pagtulo ng mga luha. Doon ko nakita ang sakit, tuwa, at pangungulila.
“A-Anak...” nabasag ang boses niya.
Nagtiim bagang ako at kinuyom ang kamao sa ilalim ng mesa na namamagitan sa amin. Pinipigilan ang bukol na bumabara sa aking lalamunan at ang nanlalabong paningin sa nagbabadyang luha.
Kalaunan, nagbagsakan rin naman at mas naging dahilan nang paghagulgol ni Papa.
“P-Patawarin mo ako, s-sorry n-nak,” nakayuko niyang sabi habang humihikbi.
Tumingala ako, bago pumikit nang mariin.
Inaalala ang sakit ng kahapon, hinahanap ang galit para sa ama.
Bakit nga ba dito ako pumunta?
Nandito ba ako para manumbat? Para ba sisihin siya sa lahat ng kasalanan niyang ako pa rin ang nagbabayad?
O dahil alam ko na handa na ko? Handa nang magpatawad, kalimutan ang nakaraan, at magsimulang muli?
“Wala na si Mama, Pa...” nabasag ang boses ko.
Tumango siya, nanatili ang sakit sa mata.
“B-Binalitaan ako ni Gella,” aniya. “K-Kasalanan ko nak, s-sorry...”
Hindi ko kailanman nabanggit si Papa kay Tita, kahit noong mga panahong nagluluksa ako.
Hindi ko kasi naisip na deserve niya pang malaman ang tungkol kay Mama, dahil kagaya nang sinabi ko, tuluyan siyang binura ng galit ko.
BINABASA MO ANG
Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]
RomanceCosta Del Sol Series #2 (COMPLETED) Matea is different. While other people ask for attention, all she wants is to disappear. It is the main reason why Rael Contreras got curious. Annoyed with his insensitive interest, Matea asked him to stop. Not...