Kabanata 15
I shut my eyes tightly dahil umiikot pa rin ang paningin ko sa kalasingan.
"Do you drink coffee?" narinig kong tanong ni Rael pagpasok niya.
Napadilat ako sa narinig. Bahagya din umawang ang labi ko sa gulat. Hindi ko inaasahan 'yon ah? Akala ko mag - aaway kami?
Hindi ako agad nakasagot and because of that, he just sighed heavily. Bahagya din siyang umiling bago tuluyang pinaandar ang mustang palayo sa Rebel.
Gustong - gusto ko siya awayin pero sa bilis ng takbo niya ay mas nahihilo ako. Muli nalang ako pumikit at dumilat nalang nang maramdaman kong tumigil na ang sasakyan pagkatapos ng ilang saglit.
Kumunot ang noo ko dahil nag park siya sa labas ng isang convenience store.
I'm confused. Dito ba kami mag - aaway?
Bumaling ako sa kanya para sana tanungin kung game na pero naabutan ko ang pagtatanggal niya ng seatbelt.
"Wait here, I'll buy you coffee and water. You need to sober up," he said bago siya bumaba ng kotse.
Kinagat ko ang pang - ibabang labi ko. Hindi ko naiwasan sundan siya ng tingin hanggang sa loob ng store.
Napailing ako. He's right. I really need to sober up, because I'm so sure I won't be here if I'm sober enough.
"Here." inabot niya sa akin ang instant coffee.
Kinuha ko 'yon kasabay ng pag - irap sa kawalan. Hindi mo na ako madadala sa mga ganyan mo, Rael. Gusto pa rin kita awayin!
He stayed silent habang iniinom ko ang kape. Unti - unti rin na gumagaan ang pakiramdam ko sa bawat higop ko. I think it took me more than ten minutes to finish my coffee.
I sighed bago siya nilingon.
"Ano ba ang pag - uusapan natin?" tanong ko, hinahanap ang iritasyon na dapat ay ibibigay sa kanya dahil mukhang nawawala na.
"What happened to you? Bakit ka umiiyak kanina?" he seriously asked.
Sinamaan ko siya ng tingin, pero wala lang siyang reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay.
"None of your business!" sagot ko.
Naningkit ang mata niya sa sagot ko. Nakita ko ang pag - igting ng panga niya at pag - iwas ng tingin.
"Should I buy you another coffee?" he asked habang nakatingin sa harapan. Nilingon niya ko ulit, the side of his mouth rose. "Lasing ka pa ata," dagdag niya.
I glared at him. He licked his lower lip before he shook his head.
"Just answer the question, Matea!" aniya.
Umirap ako.
"Ano naman sa'yo?" I fired back.
Hindi naman siya sumagot.
He sighed once again. Ngayon ay mas seryoso na.
"Hindi ka daw nagsampa ng kaso sa stalker mo?"
Nagulat ako doon pero hindi ko pinahalata. Kinunot ko lang ang noo ko at nanatiling iritado.
"Paano mo nalaman 'yon?"
Nag - iwas siya ng tingin.
"Ah, oo nga pala! Stalker din kita. Dapat nga ata talaga ako magsampa ng kaso 'no? Ikaw uunahin ko kasuhan!" I hissed.
Umigting lang ang panga ni Rael.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam bakit pa ako pumayag makipag - usap sa kanya. Wala na naman kami talaga dapat pang pag - usapan.
BINABASA MO ANG
Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]
RomanceCosta Del Sol Series #2 (COMPLETED) Matea is different. While other people ask for attention, all she wants is to disappear. It is the main reason why Rael Contreras got curious. Annoyed with his insensitive interest, Matea asked him to stop. Not...