Kabanata 5
Nagkamali ako.
Kung inaakala ko na babalik na sa normal ang lahat, maling mali ako.
“Sinabi ko na sa'yo diba? Iniwasan mo nalang sana...” nahimigan ko ang disappointment sa tono ni Natasha.
Kumunot ang noo ko. Sa malayo ay tanaw ko si Jane na may kabulungan habang sumusulyap sa akin. Nakita ko ang pag - iling niya, at nang magtama ang mata namin ay tuluyan akong inirapan.
“Galit sa'yo si Jane, iniisip niya na traydor ka. Mabilis din kumalat ang usap - usapan na matagal ka nang naghahabol kay Rael.”
Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi iyon totoo!
“That's not true!” tumaas ang boses ko.
Nagkatinginan kami ni Natasha. She shrugged bago bumaling muli sa field kung saan dumadaan ang ilang college students.
“Ewan ko, mabilis talaga ang chismis e,” aniya.
Nakita ko ang pagbuntong hininga niya.
“Matagal ko na kaibigan si Jane kaya pasensya na...”
Nalito ako sa sinabi niya. Malungkot akong nilingon ni Natasha.
“Sana di ka magalit. Saka ilang buwan palang naman, sorry kung lalayo na muna kami... ”
Masakit mawalan ng kaibigan pero mas masakit ang katotohanan. Dahil sa nangyaring 'yon ay natutunan ko maging mapili sa mga kaibigan.
A true friend is someone who always got your back, sila dapat ang unang nagtatanggol sa'yo lalo na kapag nakatalikod ka.
Sila dapat ang mas nakakakilala sa'yo, hindi 'yung sa kanila pa mismo nagmumula ang kutsilyong panaksak sa'yo.
“Girl, alam mo ba na panget ka? Babaan mo ang pangarap mo at tigil tigilan mo si Rael!”
That same day, hinarang ako ng ilang babae. Ang isa sa kanila na nagsalita ay namukaan ko, siya 'yung kasama ni Rael sa cafeteria nung nilapitan nila kami ni Marco.
“Tama si Camille. Ew, sobrang manang mo! Hindi ka magugustuhan ni Rael!” sabat ng isa bago ako tinulak.
Napapikit ako ng mariin nang tumama ang balakang ko sa sahig. Shit. Ang sakit non ah!
“What the hell!” narinig kong sigaw ng kung sino sa likuran ko.
Nag - angat ako ng tingin at nakitang natulala ang mga babaeng humarang sa akin.
Ilang yabag ang narinig ko sa likuran ko. Nasa mga babae pa rin ang tingin ko nang maramdaman ko na may humawak sa braso ko.
Paglingon ko, nakita ko ang nag - aalalang mukha ni Sandrine Gallego.
Bahagyang umawang ang labi ko sa gulat, una dahil hindi ko inakalang siya ang tutulong sa akin, pangalawa dahil sobrang ganda ng babaeng ito, lalo na sa malapitan.
She could grace any billboard or magazine cover with her beauty. I envy how perfect the crease of her lovely brow looks and the down-curve of her full lips.
She's really beautiful and I can tell that her emotions were not easily hidden on her innocent face.
Inalalayan niya ako sa pagtayo.
“Are you okay?” she softly asked.
Tumango ako.
Hinarap niya ang mga tumulak sa akin.
“My gosh! Is this some kind of a telenovela?” she rolled her eyes.
Binitawan niya ang braso ko. Nakita ko kung paano niya kinuha ang cellphone niya sa bulsa at agad nagtipa doon.
BINABASA MO ANG
Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]
RomanceCosta Del Sol Series #2 (COMPLETED) Matea is different. While other people ask for attention, all she wants is to disappear. It is the main reason why Rael Contreras got curious. Annoyed with his insensitive interest, Matea asked him to stop. Not...