Kabanata 4

6.4K 238 23
                                    

Kabanata 4

“Pwede ba tayo mag - usap?”

As soon as those words came out of my mouth, I know I'm fucked. Agad sumilay ang ngisi ni Rael. He licked his lower lip too as he stares at me in awe.

Kinalas ni Rael ang pagkakahawak ng fling of the week niya sa kanyang braso. Nanatili sa akin ang tingin niya. My heart is still beating widly. Nabibingi ako sa tindi ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang katapangan ko ngayon. Alam ko na may mga nakatingin sa amin, heck I know they're also listening. Pero kung hindi ko gagawin ito, mas matinding frustration ang mararanasan ko.

I could always explain after this, ang mahalaga ay wala ng kasunod. Ang mahalaga matapos ko na 'to ngayon.

Bumaling ako kay Marco, I saw a hint of confusion in his face.

“Kita nalang tayo sa library, saglit lang 'to..."

Hindi ko na hinintay ang pagtango niya dahil nagsimula na ako lumakad.

Ilang singhap at mahihinang salita ang narinig ko, marahil dahil agad sumunod sa akin si Rael.

Huminto ako hindi kalayuan sa cafeteria. Katabi namin ay ang accounting office na nakaharap sa field. It's unusually quiet here, siguro dahil halos lahat ng estudyante ay nasa cafeteria.

Huminga ako ng malalim bago ko siya nilingon. I swallowed hard too, kinakalma ang sarili dahil sa tindi ng kaba.

He crossed his arms against his chest. Napawi na ang ngisi niya at ang seryosong mukha ay nakatutok na sa akin.

“Thank you, salamat sa pagharang sa bola at sa paghatid sa akin sa clinic. Salamat din sa tubig...”

Nakita ko ang pag - igting ng panga niya sa sinabi ko. Kinagat ko ang pang - ibabang labi ko bago muling nag salita.

“Pero sorry, hindi kita kaibigan so I will appreciate it kung hindi mo ako lalapitan,” I seriously said.

It seems like what I said caught him off guard. Napapikit siya nang ilang beses at bahagyang umuwang ang labi sa gulat.

“Ouch!” he chuckled.

Ang akala ko ay mao-offend siya sa sinabi ko pero kabaliktaran ata ang nangyari.

He looks somehow amused and surprised about it. Tila mas nagkaroon siya ng interes sa akin.

“Paano kung gusto kita maging kaibigan?” tanong niya, nagpipigil ng ngiti.

Kumunot ang noo ko. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito, ano? I clenched my jaw.

“Crush mo ba ko?” diretsa kong tanong.

Nanlaki ang mata ni Rael, and suddenly he started laughing. Agad uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Shit.  Bakit ko sinabi 'yon.

Napapikit ako ng mariin at gusto ko nalang kainin ng lupa ngayon na. Napaka tanga, Matea!

Kinuyom ko ang kamao ko at kingat ang pang - ibabang labi habang pinagmamasdan ang ungas na itong patuloy sa pagtawa.

Kainis!

“Damn it, stop being cute!” he mumbled, ano daw? Hindi ko narinig ng maayos.

Bumuntong hininga ako.

“Please, just stay away from me...” I said with finality.

Tinalikuran ko na siya, ang kaso ay agad niya muling hinarangan ang daraanan ko.

Ngumuso siya at tinaasan ako ng kilay.

“Baka ikaw ang may crush sa'kin kaya gusto mong layuan kita?” he probed.

Same Ground [ Costa Del Sol Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon