CHAPTER 8
Loser's Vengeance"I just got some news from Leo," sabi ni Primo habang nagmamaneho ng sasakyan.
Nanatiling nakapako ang paningin ko sa kalsada at nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang pamilyar na pangalang binaggit ni Primo. It was a person I used to know before.
"Nawawala raw ang mga estudyanteng pinatay sa Monarch, pati na rin sa ibang school. Hindi na talaga biro 'tong organization, ah," dagdag pa niya, pero bigla itong napamura ng malakas at hinampas ang busina ng sasakyan.
I looked at the rear view mirror and saw his eyes wide-open, probably shocked. Napaayos ako ng upo dahil sa ingay ng busina at masamang tumingin kay Primo na ngayo'y parang nakakita ng multo.
"What the fuck?" I muttered angrily and fixed my gaze on the road, but there was nothing wrong with it. I eyed Elena and she looked confused as well. Ano bang problema ni Primo?
"Hey-" Magtatanong ulit sana ako nang umiling si Primo at umayos ng upo.
"Sorry, sorry. Akala ko kasi may tao sa harap ng sasakyan, eh," kinakabahang sabi ni Primo at muling pinaandar ang sasakyan.
Sumandal nalang ako at tumitig sa labas ng bintana. I've never seen Primo looked so nervous, that's rare.
"Geez, just focus on driving. Something might fucking happen to Melody if we standby any longer," sabi ko at bumuntong-hininga. Nilingon ako ni Elena at tinapat ang kanyang daliri sa ibabaw ng kanyang labi.
"Keep it down, cursing machine," ani Elena habang mapang-asar na nakangiti, dahilan para umirap ako.
I held my chest with my breath stiffened in worry. Nikolai... that guy is bad news.
He's a dangerous guy. Ginamit pa niya si Melody na walang kaalam-alam sa paghihiganti niya. I slightly closed my eyes when I heard Primo muttered something.
"Sinubukan kong ipa-track kay Collin 'yung GPS ng phone ni Melody. Hindi pamilyar 'yung lugar pero nasa gubat ata 'yung location na binigay sa'kin," seryosong sabi nito.
Pumikit ako nang makilala ang binanggit niyang pangalan. Geez, they still have connections. Unbelievable.
Pagkamulat ng mga mata ko ay madilim na ang paligid, at nakatigil ang sasakyan sa isang gubat. Umupo ako ng ayos at bahagyang kinusot ang mata ko.
Gaanong katagal ba akong nakatulog? Ah, ang sakit ng likod at braso ko.
"Let's go, Artemis." Napaangat ang ulo ko nang marinig ang tawag sa akin ni Elena mula sa harap kaya tumango ako. Melody is just somewhere, and I don't think Nikolai will kill her.
I hope so.
Primo turned off the car's engine and opened the locks of the door. Lumabas na ako at tiningnan ang paligid. Napapalibutan kami ng matataas na puno at masukal ang daan. Napakadilim at ang nagsisilbing ilaw lamang ay ang palubog ng araw. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng kirot sa aking ulo.
Pamilyar ang lugar na ito at para bang nakarating na ako rito.
"Artemis, h'wag kang lalayo sa'min," paalala ni Primo kaya tumango ako at sumunod sa kanilang pumasok sa madilim na gubat.
Kada yapak namin ay lumilikha ng malakas na ingay ang mga tuyong dahon na nagkalat sa lupa. Sila Elena at Primo ang nangunguna sa paglalakad at nilabas nila ang kanilang phone para gamiting flashlight.
Makalipas ang ilang minuto ng paglalakad ay napagtanto kong nakarating na nga ako rito.
Natanaw namin ang isang lumang bahay na hindi napapalibutan ng mga puno, ang lumang hideout ng Golden Fang... ang gang ni Nikolai noon. May nakaparadang kotse sa labas ng bahay at paniguradong nandito nga si Nikolai. That asshole.
BINABASA MO ANG
Crownless Queen
FantasyWattys 2021 Shortlisted | In the West Sector, a terrorist organization has resurfaced, leaving a trail of lifeless bodies of young ability users stripped of their special abilities. Artemis Rocheril, known as the Queen of Ace, wakes up to find her a...