CHAPTER 32
Run Away"Aray, tangina. Napuruhan ako dun, ah," reklamo ni Leo habang ginagamot ni Elena ang mga sugat niya sa katawan.
Katatapos lang ng mga klase namin kaya napag-isipan naming magkita-kita sa hideout. The night we got ambushed, we disposed the enemy's bodies on a river with their hands and legs being tied. 'Yung iba naman ay iniwan namin sa gitna ng kalsada at kung saan-saan pa.
Si Leo naman, dinala sa tuktok ng bundok 'yung isang lalaki kasi sinipa raw siya sa mukha.
Luckily no one is harmed in our gang. That's what they get when they mess with the wrong people.
"It's done," sabi ni Elena at umupo saglit sa upuan para huminga nang malalim. Nilapitan ko siya at inalok ng tubig.
"I'm fine," sagot niya pero halatang hindi siya okay base sa mga mata niya. I know she is still in the process of moving on, but she needs to face the reality.
"Elena, we'll get through it okay?" sambit ko at niyakap siya. I've realized that it is a leader's duty to help their members.
"Hoy, Rylee! Gago, buti nagising ka pa!" bungad ni Leo at narinig kong binatukan niya ang bagong gising na si Taurus. Napatingin naman ako sa likuran at kumalas mula sa pagkakayakap para tingnan sila Taurus. May sapak kasi si Leo kaya siya gan'yan, akala mo nakawala sa zoo kung umasta.
"Aray, hinayupak ka!" inis na sabi ni Taurus habang kinakamot ang kanyang batok.
Mabilis namang lumapit ang mga babae sa kanya para kamustahin. Halos lahat kasi sila ay may gusto sa kanya, maliban nalang kay Virgo at Pisces. I admit that he is good-looking and he looks like those guys in magazines. His perfect face, tall stature, bronze skin, dark brown hair, and dreamy blue eyes like the ocean captivated their hearts. But not me.
"Nag-time travel ka na naman ba?" bungad na tanong ni Sagittarius habang nakasandal sa pader.
"Oo! Intense nga, eh," natatawang sagot ni Taurus habang ginugulo ang sariling buhok.
"Don't use your ability too much. Look at your nose," puna ko at tinuro ang nagdurugo niyang ilong. Napaatras naman ang mga babae at mabilis siyang inabutan ng tissue. Napangiti nalang nang pilit si Taurus nang makita ang napakaraming tissue sa kanyang harapan.
"Nireregla na naman 'yung ilong, mukhang timang gago. Hahaha!" pangungutya ni Leo at aktong sasapakin na sana siya ni Taurus kaya inawat ko sila. Para silang aso't pusa kung umasta, geez!
When Taurus overuses his ability, nagno-nosebleed siya, at gano'n din si Libra kapag nasobrahan. They can see the future and that's one of the effects of their dangerous ability.
"May nakita akong kakaiba, eh. Maraming nakasuot ng gown tapos parang may ano... event?" sabi niya na ipinagtaka namin. Gown? It doesn't ring a bell to me.
"What else?"
"Wala na, eh, 'yun lang," sambit nito at bumalik sa pagkakahiga. That was too weird, but I'll take that as a warning.
"You did great," nakangiti kong sabi at lumapit kay Raven na nakaupo ngayon sa lamesa, nakatalikod sa amin.
"Raven," tawag ko at humarap naman siya sa akin. We've been good to each other, at hindi na ako naiinis sa presensya niya.
"Kumain ka na ba?" tanong niya at umiling ako. Kanina pang 12 PM ako huling kumain at 5 PM na ngayon.
"Let's eat?" sabi ko at hinila ang kamay niya para sabay kaming maglakad paalis ng hideout. Hindi naman siya umangal pa at sumunod nalang sa akin. Nang makalayo na kami ay binitawan ko na ang kamay niya at sinabayan siya ng lakad.
BINABASA MO ANG
Crownless Queen
FantasyWattys 2021 Shortlisted | In the West Sector, a terrorist organization has resurfaced, leaving a trail of lifeless bodies of young ability users stripped of their special abilities. Artemis Rocheril, known as the Queen of Ace, wakes up to find her a...