Chapter 13: Sudden Outburst

282 35 1
                                    

CHAPTER 13
Sudden Outburst

The Lamarille Fest is just around the corner, and every day that passes by fires up the students even more. Today is Thursday at halos lahat sila ay nakapaghanda na. Tinatayo na nila ang mga booths nila malapit sa gate ng Monarch.

Everyone is allowed to enter, kaya kahit ang mga hindi estudyante ng Monarch ay pwedeng makapasok. It is a week where breaking the rules is allowed, a week of freedom.

"Artemis, let's go to the gym. May rehearsal pa tayo," tawag sa akin ng kaklase kong si Ellie. Tumango ako at sinundan siya hanggang sa makapasok kami sa napakalawak na gymnasium.

Dahil wala akong ginagawa noong mga nakaraang araw, bigla akong napasali sa grupo na ito. This group consists of students from section A to section F. We will be performing on the second day, kung saan mayroong event na tinatawag na Dance of Lamarille.

Everyone went onto their places so I followed them. Itinali ko ang buhok ko at huminga nang malalim. Wala namang issue ang pagsali ko rito dahil sasayaw lang naman kami, pero hindi maiwasan ang bulungan ng mga kasama ko kapag nasa break kami. I just don't mind them and focus on my business.

The music started playing from the huge sound system and everyone started dancing to follow the beat of the song. Ilang beses ko nang muntikang mabunggo ang mga kasama ko kaya napabuga ako ng hangin. Ang dami-dami namin dito sa gym at para kaming sardinas dito na nagkukumpulan.

Nang matapos ang tugtog ay sabay-sabay kaming napaupo sa sahig habang hinahabol ang aming mga hininga.

That was exhausting!

Ang mga estudyante na nanonood na nakaupo sa bleachers ay nagpalakpakan matapos ang sayaw. It was a three-minute dance. Pinunasan ko ang pawis ko at umupo sa isang sulok.

"Last rehearsal! Three p.m., don't be late!" said Ellie. She's the assigned leader for this dance group since she's the one who taught us the steps of the dance.

"Roger that!" sagot nilang lahat at lumabas ng gymnasium. Nanatili ako rito sa loob at nag-inat ng katawan.

But someone suddenly jumped on me, and I nearly pushed her away by shock! Mas nagulat ako nang makitang nasa likuran niya si Nikolai kaya napaawang ang bibig ko.

Naningkit naman ang mga mata ko at tinignan siya ng masama. He just fucking smirked at me!

"Bakit ka nandito? Diba kakanta ka?" tanong ko kay Melody habang masamang nakatitig kay Nikolai. This guy had the audacity to accompany Melody after kidnapping her!

Melody proudly nodded since she is the representative for the contest called Hymn of Requiem, since every section has their best representative.

Magaling kumanta si Melody, I heard her singing in the bathroom once and she will perform on the third day.

"Pinanood lang naman kita, Misa. Galing mong sumayaw, eh!" Melody said and mimicked my dance earlier. I rolled my eyes in embarrassment and held her shoulders to stop her from moving.

"Hey, stop that. Nasaan ang dalawa?" tanong ko sa kanya at iniwasan na ang tingin ni Nikolai. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'to rito?

"Ayun, nasa training room. Nagpapasabog!" sagot ni Melody at ibinuka ang mga kamay na para bang may lalabas talagang pampasabog doon.

"Melody." Natigilan si Melody nang tawagin siya ni Nikolai.

"Oh?" tanong ni Melody at inosenteng tumingin sa kanya. I stared at them blankly, trying to figure out why they were together.

"Let's go back. 'Wag mo nga akong dalhin kung saan-saan, hindi tayo close," masungit na sabi ni Nikolai kaya napaismid si Melody. I badly wanted to roll my eyes because of what he said.

Crownless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon