anime ♡ thirty two

48 1 2
                                    

"Yes! Sampalin ko 'yang La Brava na 'yan, eh. Gusto kong ibato silang dalawa ni Gentle Criminal," sabi ko, habang inaalog alog si Jaemin.

Tawa naman siya ng tawa, at saka kinuha ang kamay ko. Tinitigan niya pa ako habang nakangiti, kaya hindi ko alam kung paano magfufunction. I blushed at natigil ako, kaya naman ay lumingon ako palayo. Mama, kasi naman! Sasampalin din kita, Na Jaemin!

"H-Hoy, nanunuod tayo, 'wag kang malandi," sabi ko kay Jaemin, at humalakhak naman siya. "Itutulak kita dito!"

Nandito pa rin kasi ako sa hospital, tapos ay tumabi siya sa akin sa hospital bed ko. Dala dala niya pa 'yung laptop niya at may bowl of grapes. Nanunuod kami ng Boku no Hero Academia, tapos bigla siyang manlalandi? Bad!

"Namiss lang kita. Bakit kasi nakikipagbreak ka? Hmp," sabi niya, saka kinurot ang pisngi ko.

"H-Hoy!" Pagbabawal ko, at pinause naman niya yung pinapanuod namin.

"Haruhi, love mo 'ko?" Tanong niya, nakanguso pa, kaya naman ay natatawa akong kaunti.

Maayos na ang pakiramdam ko, kaya naman siguro makakalabas na ako bukas ng ospital.

"Tinatanong ba 'yan, Jaemin? Gusto mo bang hampasin kita ng laptop na 'to?" Sabi ko, and he pouted even more.

"Eeeeh. I love youuuu," sabi niya, and I covered my face. Ang cute niya. Nakakabanas!

"I-I love you, too. I-play mo na 'yan! Nakakainis ka," sabi ko, and then he chuckled saka pinlay na 'yung pinapanuod namin.

"I thought I lost you for real," he whispered, making me smile and then look at him.

"You won't."

♡♡♡

"Magssleep-over ako," biglang sabi ni Jaemin, kaya naman ay nalaglag ang panga ko. Ano daw?

"Ano? Anong sleepover? Bahay ba 'tong ospital?" Tanong ko sa kanya, and he started pouting again.

"Miss na kitaaaaa. Dami mo nang homework na 'di nagagawa," sabi niya, at hinampas ko naman siya.

"Hoy, wag mo ngang mabanggit banggit ang homework. Oo nga pala, 'yung notebook mo na galing kay Sir Leeteuk nakarating ba sayo-"

"Oh, shit! Oo nga pala! Oo, binigay sakin. 'Yung mga homework ko dun! Shet, 10 nanaman homework behind ako!" Sabi niya, at natawa naman ako.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo at andami mong homework na hindi nagagawa?" I asked, and then he rolled his eyes.

"Nanunuod ng anime." Sabi niya pa, kaya mas natawa ako.

"Ikaw, masyado kang katulad ko. Nakakainis ka. Mag-aral ka ngang mabuti," sabi ko, and he grinned.

"Mag-aaral akong mabuti kapag pinag-sleepover mo ako ngayon hehe," banggit naman niya, kaya hinampas ko siya ng unan.

"Alam mo, ikaw, akala mo naman mamamatay na ako kaya dikit ka ng dikit sakin. Lalabas na akong ospital bukas, ano ka ba?" Sabi ko, but he pouted.

"Edi sabay tayong lumabas," sagot naman niya, making me facepalm.

"Clingyyy, Na Jaeminnnn," sabi ko, and then he narrowed his eyes on me.

"Syempre clingy ako sayo. Kasi love kita. Love na love. Mas love kita kesa kay Jeno," sabi niya, making me chuckle.

"Alam mo, Jaem, kapag umamin ka sakin na bakla ka para kay Jeno, hindi ako magagalit. Matutuwa pa ako. Yaoi-"

"AISH! HARUHI NAMAN!"

"HAHAHAHAHA! Umamin na kayo, dali. Maghihintay ako dito,"

"IKAW NGA GUSTO KO EH!"

"Eh, Yaoi is life-"

"HINDI! HINDI PWEDE! IKAW LANG GUSTO KO!"

"Triggered 'yung barbie ko, oh? Hahaha!"

"Hay nako, Haruhi. Kung hindi lang kita girlfriend-"

"Ano?"

"Wala, hehe. I love youuu,"

"Hmp. Mama mo,"

"Magiging mama mo rin, hehe,"

"Ang harot mo, kahit kelan!"

anime ♡ na jaeminWhere stories live. Discover now