"Mukha pa rin siyang anime. What's new?" I told myself, habang naglalakad papunta sa locker ko, dahil pauwi na rin.
"Huh?" Biglang salita ng isang boses sa may likuran ko kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko.
"Shit? W-Wala!" Agad na sagot ko, nang marealize ko na si Jaemin pala yun.
He then furrowed his brows and pouted at me bago magsalita at tangkain na kunin ang phone ko kaya agad naman akong pindot nalang ng pindot para mawala sa profile picture niya ang nasa screen ko.
"Ano nga? Patingin ako?" Sabi niya, and I shook my head.
Nagulat naman ako nang mabilis niyang maagaw ang phone ko mula sa mga kamay ko, kaya kinabahan ako. Paano kapag hindi nalipat yun?!
♡♡♡
JUNKYU KIM
kyuala 🐨4853 likes | 836 comments
load more comments...
♡♡♡
"Ahh. So ito pala yung crush mo. Si Junkyu?" Biglang sabi ni Jaemin, kaya naman ay nanlaki ang mga mata ko.
Si Junkyu?! Hindi! Hindi ko naman crush yun!
"H-Hindi!" Agad na sagot ko naman, kaya napapikit nalang ako nang marealize ko ang ginawa ko.
Lusot na sana yun! Hindi na sana nya ako pagdududahan! Ano bang katangahan, Haruhi?
"Hindi? Edi sinong gusto mo? Sinong mukhang anime na gusto mo? Sino yon?" Tuloy tuloy na tanong niya, kaya naman ay tumahimik pa rin ako.
Ayokong magsalita. He then stepped forwards, kaya tumama na ang likod ko sa may lockers. Wala na ring masyadong mga estudyante sa school dahil may early dismissal kanina, kaya naman walang masyadong makakakita sa amin kung sakaling may kaguluhan nanamang dulot itong isang to.
"Sino. Yung. Gusto. Mo?" Tanong niya sa akin, and I bit my lower lip when he caged me with his arms.
"Si..." sagot ko, and then his eyes darkened.
"Sino?" He whispered, and I gripped my skirt tightly.
"Gusto kita," sagot ko, and the next thing I knew, his lips were on mine.
I gripped on his uniform, kissing back. Hindi ko maipaliwanag ang kumikiliti sa puso ko, while his hands cupped my cheeks. Nang marealize ko kung nasaan kami, I pulled away from the kiss, making him furrow his brows.
"W-Why?" Tanong niya, and I looked down.
"Jaemin. Nasa school tayo," I answered, and then he chuckled.
"I mean... why me? Bakit ako?" Tanong niya, smirking at me nang magtama nanaman ang paningin namin.
I breathed in deeply before answering. Shit. Ang hot niya tignan ngayon. Bakit-
"Bakit kita crush? Well, mukha ka kasing anime," I said, and then he rolled his eyes.
"Yun lang?" He asked, and I chuckled.
"At first, yun lang. But when I got to know you better, lalo na sa mga panahon na pinapakita mo sa akin na poprotektahan mo ako kahit na ano pang isipin ng mga tao sayo, I knew it. I like you, Jaemin," I confessed, and then he looked at me with a gentle smile across his face.
Heck. Wag kang ngingiti sa akin ng ganyan, Jaemin, kung hindi mo ako gusto, okay? Kasi, masasaktan lang ako, eh.
Lalo na kung iisipin kong ngumingiti ka sa iba ng ganyan.
"What a coincidence, Haruhi. I like you, too," he said, making me widen my eyes.
"H-Hah?" I asked, and then he chuckled before ruffling my hair and leaning forwards dahilan para iilang sentimetro nalang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Ang sabi ko, gusto kita. Gustong gusto. Heck, I love you. I have this feeling in me na gusto kitang protektahan sa kahit na ano. Please... date me. Be my girlfriend," sabi niya, and I could feel my heart racing.
"Jaemin, I-"
"Ayaw mo? Grabe ka naman sakin. Sabi mo, crush mo ako. Mukha akong anime. Gwapo ako! Sabi mo nun di ako jowable! Kaya ba? Teka nga-"
"Ang ingay mo, Jaemin! Oo! Oo na, oo na!"
"Tapos ngayon- saglit. HAH?! YESSSS! YAY! HARUHIII, I LOVE YOU!"
"I... I love you, too,"
YOU ARE READING
anime ♡ na jaemin
Hayran Kurgu[ nshitty series ] "bakit crush kita? well, mukha ka kasing anime," in which an otaku suddenly crushes on him just because she thought he looked like an anime character. cover by @venleyy