anime ♡ ten

75 2 3
                                    

Habang naglalakad ako pauwi, kinakabahan ako kasi mag-isa lang ako. Magkasama sina Jeno at Yuri kanina, hinatak kasi ni Jeno. Medyo padilim na rin ngayon dahil nagtanong pa ako ng mga homework kay Xiren.

"Psst! Ganda, sama ka sa amin!" Sabi nung isang lalaking college na yata?

Nanlaki ang mga mata ko dahil nag-iinuman sila. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya ay naglakad nalang ako but he caught my wrist.

"Saan ka pupunta? Magbobonding pa tayo, baby," sabi nung lalaki, and naiiyak na ako.

"S-Stop, hindi ako-"

"Anong hindi! You're mine-"

Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na nangyari.

Nahablot ang kamay ko ng iba at nagulat nalang ako dahil nakaupo na yung lalaki sa floor with a shattered soju bottle on the floor.

Shit?

"Gago ka ba? Rumespeto ka ng babae!" Sigaw ng kumuha sa kamay ko, and I bit my lower lip before gazing up at him.

The usual smiley Na Jaemin was gone, because now, his brows were furrowed and he was serious. Ang... ang gwapo?

Tumayo naman yung lalaki at sana'y sasapakin si Jaemin pero sinipa na niya.

"Oof-" sabi nung lalaki, "Sino ka ba?! Bakit mo hinahawakan ang kamay ng-"

"Tanga. Ikaw ang sino? Get back to your own business, wag kang mandamay ng inosente sa katarantaduhan mo." pagkasabi niya nun ay hinila na niya ako palayo.

Sa takot kong may mangyari ay nagpasama nalang ako sa kanya. Antahimik namin, my hand that he was holding now trembling.

Ano kayang mangyayari kung wala siya?

The moment we were in front of our gates, Jaemin smiled at me.

"Yah, Haruhi. Wag ka nang papalate. Saka nga, sakin ka na sumabay pauwi kung hindi kayo sabay nung pinsan mo. Nakakaurat," sabi niya, and I gaped.

"Reklamador?"

"Mag-iingat kase! Ewan ko sayo. Chat nalang kita mamaya. Susunduin kita bukas. Wag kang magrereklamo. Pag di lang kita naabutan, kita mo."

"Wow. Pa-cool?"

"Aish! Mauna na nga ako!"

"THANK YOU, JAEMIN!"

"BYE!"

anime ♡ na jaeminWhere stories live. Discover now