Kay bilis lumipas ng panahon
Tulad na lamang ng pagmamahal na dati'y aking tinipon
Sandali lamang akong lumingon
Ngunit pagtingin ko muli, ibang babae na ang nando'nGumugulo sa puso at isipan
Gano'n ba ako kadaling palitan?
Hindi ba ako sapat para manatili ka?
Hindi ko ba naibigay ng lahat ng pagmamahal at saya?Ubos na ubos na ang sarili
Pilit na bumabangon, ayokong maghiganti
Ngunit sobrang sakit ng pinaramdam niyo sa 'kin
Hindi ko na kaya, sobrang sakit na ng aking damdaminPagmamahal mo'y nawala lang na parang bula
May ibang babae ka na kaagad, ang g*go mo talaga
Sa iyong pagkakamali, aking napagtanto
Kahit binigay mo na ang lahat, siya'y magloloko nang maglolokoPilit niyang aalisin ang gapos na iyong binigay
Pilit niyang babaunin ang pagmamahal mo na parang wala kang pakiramdam at buhay
Hangga't sa ikaw na lang ang sumuko sa relasyon niyo
Hangga't sa ikaw na lamang ang mapagod nang hustoHihintayin ka niyang masaktan nang lubusan
Tsaka siya mag-aaktong nasasaktan
Ipaparamdam sa 'yo na ikaw ang nagkulang
Pag-ibig nga naman... sadyang mapanlamang.
YOU ARE READING
Broken Words
PoetryThere are a lot of things that cannot be fixed in this world. Broken glass, broken minds, broken promises, broken heart and other kinds of things. Broken things cannot be used anymore, but it can hurt you. Broken words can make you bleed from within...