Napapaisip ako... bakit may a taong ang dali-daling magpatawad ng ibang tao, pero hindi kayang patawarin ang mga sarili nila.
May mga tao rin na ang daling patawarin ang mga sarili nila, pero hindi kayang magpatawad ng ibang tao. Lahat naman tayo, kailangang magpatawad. Kakainin lang tayo ng mga demonyo sa loob natin dahil sa tindi ng galit na nararamdaman natin.
Nakakatakot makain ng sobrang galit, makakagawa ka na lang ng mga bagay na hindi mo inaasahan na magagawa mo. Tapos ang nakakatakot pa do'n, baka pagsisihan mo ang lahat ng ginawa mo.
Pero bakit gano'n? Bakit ang bilis nating magpadala sa galit? Nakakainis 'no? 'Yung tipong ayaw mo naman sanang magalit pero hindi mo mapigilan ang sarili mo, shows na may mga bagay talaga na hindi ko kailangang kontrolin mag-isa, may mga panahon talaga na kailangan mong magpapigil sa ibang tao dahil kapag hindi mo napigilan ang sarili, may magagawa kang bagay na pwede mong pagsisihan habang buhay.
YOU ARE READING
Broken Words
PoetryThere are a lot of things that cannot be fixed in this world. Broken glass, broken minds, broken promises, broken heart and other kinds of things. Broken things cannot be used anymore, but it can hurt you. Broken words can make you bleed from within...