Poem no. 25

9 0 0
                                    


Pakinggan ang himig ng puso kong bigo
Dahil kahit na ilang beses mo na akong dinurog, sigaw pa rin nito ang pangalan mo
Ilang beses nang sinubukan na kalimutan ka
Pero wala eh, ikaw pa rin kahit ako'y iyong binalewala

Ngiti mo'y naging dahilan kung bakit ako'y parang naging uod na nanlumo
Presensya mo'y hinahanap pa rin sa gitna ng milyon-milyon na tao
Sa bawat pagpasok mo ng bola sa ring noon ay talaga namang todo ang sigaw ko
Pero hindi ko namalayan na ako'y binobola mo na lang pala't niloloko dahil habang sinisigaw ko ang pangalan mo, iba na rin pala ang sinisigaw ng puso mo

Nawala na ang lahat ng saya, mga ngiti, bilis ng tibok ng puso't tamis ng mga labi
Dating ginto'y naging pilak na lamang dahil sa labis na pighati
Ngunit lumaban ako't nagpakasundalo para sa'yo
Pero bakit? Bakit iniwan mo ko't tinapon ang aking baril at pinagpalit sa ibang tao?

Kasabay ng iyong pag-alis papuntang ibang bansa ay ang pagbuhos ng aking mga luha
Ako'y nanatiling nakatingin sa sinakyan mong eroplano palayo kung saan tayo nagsimula
Napatulala na lamang ako sa himpapawid na naging saksi ng nobela natin
Sa huling pagkakataon... ako'y ngumiti na lang at hiniling na makahanap ka ng babaeng higit pa sa akin.

Broken WordsWhere stories live. Discover now