Kabanata I

61 25 0
                                    

John's POV

"38.5°C, 'wag na po kayo mag-alala 'nay kasi wala pong dengue ang anak n'yo, lagnat lang po ang nararamdaman n'ya. Ngayon po ay reresetahan ko kayo ng Paracetamol para bumaba na ang temperatura n'ya, kung nagpatuloy pa rin po ang lagnat n'ya at tumaas pa ay mabuting dalhin n'yo na s'ya sa pinakamalapit na ospital para mas matingnan si bunso ha" paliwanag ko sa isang ginang matapos kong kunin ang temperatura ng kan'yang anak. Bakas sa kan'yang muka ang pag-aalala lalo na at naikwento n'ya kanina na kinumbulsyon ang bata kagabi at saktong may medical mission kami ngayon sa lugar nila kung kaya't hindi na s'ya nagdalawang isip pang dalhin ito sa'min upang mapatingnan.

"Naku maraming salamat po..." mangiyak-ngiyak niyang sabi sabay kuha ng iniabot kong reseta at isang ngiti naman ang aking iginanti, napakasarap talagang tumulong sa kapwa lalo na at gusto ko rin ang ginagawa ko.

"Maaari po kayong humingi ng gamot sa mga kasama ko, dadagdagan na rin po nila kayo ng vitamins" paliwanag ko at tinuro sa kanya ang mga kasama kong unti-unti nang nag-aayos ng mga gamit dahil huling nagpapatingin na itong batang chineck-up ko, tumango naman ang ginang at tinungo ang tinuro ko. Inayos ko na rin ang aking mga gamit at sumunod sa kanila.

"Let's call it a daaay!" masiglang sabi ni Eric, he's the man- ang tumatayong leader sa grupo,at kinuha sa'kin ang kahong pinaglagyan ko ng aking mga gamit at inilagay sa likod ng aming van.

"What a day!" sabay-sabay naman naming sagot sa kan'ya na nakangiti pa kahit na alam namin na bawat isa sa amin ay pagod dahil sa halos maghapong medical mission namin ngayong araw.

"Well done guys!" bati ni Monique na nakaupo ngayon sa passenger seat at nagreretouch, she's always like that, our it girl.

"So, ano naman ang next project natin? We have the rest of the month kaya itodo na natin 'to!" wika naman ni Jade na napaka energetic pa rin hangang ngayon, she's a he by the way.

"Kakatapos lang natin sa medical mission ngayong araw, pwede ba na kumalma muna tayo? Pahinga muna" wika naman ni Fred na kakatapos lang ilagay ang mga natirang ligpiting gamit sa van at saka niyakap mula sa likod ang kan'yang kasintahan na si Lecs.

"Tama, pwede namang bukas natin pag-usapan ang susunod nating gagawin. Umuwi muna tayo, magdidilim na rin kasi." dagdag pa ni Lecs saka humarap kay Fred at pinunasan ang pawis nito. Obviously, sila naman ang aming love birds.

"Sige, umuwi na tayo, we did a great job today, we deserve a rest." sang-ayon ko na pinanigan naman nilang lahat at isa-isa na nga kaming sumakay sa van at umalis na.

Time check: 6:15 pm. Hindi pa naman sinasakop ng dilim ang buong lugar, makikita pa rin ang mga bahay na dinadaanan namin, mga bahay na ginawa sa tagpi-tagping kahoy, lugar na mababakas ang simpleng buhay, walang karangyaan ngunit may kakontentuhan. Sa mga ganitong lugar kami taon-taon nagsasagawa ng medical mission simula noong naging mga ganap na nurse kaming magkakaibigan. Bakit? Dahil mulat kami na hindi lang sa mga ospital may nangangailangan ng aming serbisyo, dahil kami mismo ay naranasan 'yun noong mga nag-aaral pa lang kami and we are hoping na sa ganitong paraan ay nakakatulong kami sa kapwa namin na walang kakayahan, kahit papaano.

"Naghahanap na nga pala ako ng susunod na pwede nating pagserbisyohan. Saang lugar naman ang naiisip n'yo? Suggest kayo guys. May nahanap akong page na may list ng mga remote places na pwede nating puntahan, all we need to do is to send them a letter then hihintayin lang natin ang approval nila." wika naman ni Sunny na bumasag sa aming katahimikan, let's say na she is the "tech and book" kind of girl, not a nerd.

"Ikaw na ang bahala Sunny, alam mo naman ang kakayahan at limitations lang natin" sagot ko sa kan'ya nang walang kumibo sa mga kasama namin, sobrang pagod lang siguro kaya wala nang may gustong magsalita sa kanila. Tumango na lamang s'ya at tinuon muli ang atensyon sa kan'yang laptop.

"PUSA!!!" *screeeeech* sigaw ni Monique mula sa passengers seat na ikinaalarma naman ng lahat lalo na ni Eric na inaantok na pala habang nagmamaneho kung kaya't ganun na lang ang pag preno nito.

"S-sorry!" paumanhin ni Eric habang kinukusot ang mata

"Ayos lang ba kayong lahat? Wala bang nasaktan? Pasensya na talaga" dagdag pa nito

"Ayos lang naman, hindi pa naman natanggal ang utak namin dahil sa pagpreno mo" sarcastic na sagot ni Lecs

"Ano ba kasing problema at sumigaw ka Monique?" iritang tanong ni Fred habang hinihilot ang sintido nito

"M-may nakita kasi akong itim na pusa sa gitna ng kalsada, muntik pa ata natin masagasaan..." paliwanag ni Monique na nanlalaki pa rin ang mata at tinitingnan kung may nasagasaanan nga kaming itim na pusa.

"Mukang wala naman--- aah!" sigaw ni Jade nang may bumagsak na patay na itim na pusa sa windshield ng van. Napasinghap na lang din kami at diring diring tinitigan ang nawakwak nitong tiyan dahilan upang lumitaw ang bituka nito.

"Uhm, guys, I think we have a problem..." wika ni Sunny kaya't nilingon namin s'ya, may mas problema pa ba sa pagkakasagasa namin sa isang itim na pusa?

"I've accidentally sent a letter to a hospital..."

"Pwede na 'yan, there's nothing bad naman sa---"

"a psychiatric hospital." pagputol ni Sunny sa sinasabi ni Monique na ikinagulat naming lahat.

"The Asylum." dagdag pa nito at sunod-sunod na sorry ang sinabi n'ya dahil hindi n'ya talaga sinasadyang masend dito ang aming request letter. Nagkatinginan lang kaming lahat at mukang iisa lang ang nasa isip namin, new experience... what could go wrong, right?

"Ako lang ba o wala talagang dugo yung pusa?" obserbasyon ni Eric na pinipilit tanggalin ang pusang nabangga n'ya gamit ng windscreen wiper. At oo nga, walang dugo, at hindi na rin sariwa ang lamang loob ng pusa, nangingitim na ito at nilalabasan na ng puting likido. Ibig sabihin ba nito na matagal nang patay ang pusa bago pa man namin mabangga? Pero nakita ito ni Monique... does it mean something? Or am I just overthinking?

"Tinanggap ng Asylum ang request natin... agad?" nagtatakang balita ni Sunny habang tinitingnan ang screen ng kan'yang laptop. Asylum... ano ang naghihintay sa'min sa'yo?

○○○

Kamusta ang pagbabasa? Let me know your thoughts! Stay tuned!

The Case of dear BonnieWhere stories live. Discover now