Kabanata V

29 3 0
                                    

John's POV

"Ah, nandito na pala ang ating mga bisita" nakangiting wika ng isang lalaki na pababa ng hagdan, may kasama itong babae at pareho silang naka white coat kagaya ni Dr. Liu, palagay ko ay mga doctor din sila dito

"Sila si Dr. Cole at Dra. Severin, mga kapwa ko doctor na tumutulong na mapabuti ang aming mga pasyente. At nakilala n'yo na pala si nurse Lodia, s'ya ang nag-iisang nurse namin dito kaya magiging malaking tulong talaga kayo sa'min dahil kulang kami sa tao ngayon" pakilala ni Dr. Liu sa kan'yang mga kasama

"Ako naman po si John at sila ang aking mga kasama na sina Jade, Eric, Monique, Sunny, Lecs at Fred" pakilala ko naman sa aking mga kasama na isa-isang tumango sa mga kaharap namin

"Baka maisipan n'yong magtrabaho dito, you are all welcome" nakangiting sabi ni Dra. Severin na sa palagay ko ay nasa trenta anyos pa lamang. May katangkaran ito at talaga namang maganda, ang buhok nito na parang araw-araw naka salon ay umabot sa kan'yang bewang kahit nakapusod, nakasuot din ito ng salamin na mukang mataas ang grado dahil sa kapal nito

"Hindi naman po malayong mangyari 'yun doc lalo na at napakaganda sa ospital n'yo, bonus pa kasi maganda rin kayo na doctor na makakasama namin dito kung sakali" biro naman ni Eric na lalong nagpaliwanag sa muka ni Dra. Severin nang mapangiti n'ya ito, natawa na lang din kami dahil sa hiya, napakagaling talaga mambola ng lalaking 'to

"Bago pa mapunta sa kung saan ang biruan n'yo ay simulan na natin ang araw na ito, marami tayong dapat pag-usapan tungkol sa mga gagawin n'yo dito sa aming ospital" pagputol ni Dr. Liu, masyado s'yang seryosong tao, ramdam ko

"Shall we? Ipapakilala namin kayo sa mga pasyente namin" aya naman ni Dr. Cole

"Kapag tapos na kayo sa introduction ay puntahan n'yo lang ako sa office, marami pa akong aasikasuhin, have a great day" paalam ni Dr. Liu at nauna nang umalis.

Sumunod din naman kami sa kan'ya. Bago pa man ako makahakbang sa unang baitang ng hagdan ay napansin ko na may pintong biglang sumara sa gilid sa 'di kalayuan sa aming kinapwestuhan. Nabaling dito ang aking atensyon at matagal na tinitigan ang pader kung saan ko ito napansin, walang pinto... tanging pader lang talaga... marahil ay namalikmata lamang ako. Madali akong humabol sa aking mga kasama nang mapansin kong nasa 2nd floor na sila, pagtapak ko dito ay biglang bumigat ang pakiramdam ko, parang may mali...

Jade's POV

"Mayroong tig-sampung kwarto mula sa ikatlo hangang sa ikawalong palapag sa aming ospital. Isang pasyente lamang ang nananatili sa bawat isang kwarto. Sa ngayon ay mayroon kaming dalawampu't tatlong pasyenteng inaalagaan" paliwanag ni Dr. Cole habang naglalakad kami sa pasilyo ng ikalawang palapag. Puro larawan pa lamang ang nakikita namin sa daan na ito. Una kong napansin ang lumang larawan ng kabuuan ng Asylum, sumunod ang litrato nila Dr. Liu, Dr. Cole, Dra. Severin at isa pang babae, hindi ko pa s'ya nakikita... doctor din kaya s'ya dito? Hindi s'ya nabanggit ni Dr. Liu kanina at muka namang hindi ito si nurse Lodia dahil napakalayo naman ng itsura n'ya dito, sino kaya s'ya?

"Sino po ang babaeng ito na kasama n'yo sa picture?" usisa ni Lecs, napansin din pala n'ya. Nahinto naman sa pagpapaliwanag si Dr. Cole at tiningnan si Dra. Severin, hindi ba namin dapat malaman kung sino ang babaeng ito?

"Dating kasamahan naming doctor, ngunit ngayon ay wala na s'ya." pilit na ngumiti si Dra. Severin pagkasabi nito

"Oh, sorry kung natanong ko po..." paumanhin ni Lecs at lahat kami ay napayuko na lamang

"It's okay, let's continue. Ang kwarto n'yo nga pala ay nasa baba, sasamahan kayo mamaya ni nurse Lodia, don't worry" putol ni Dra. Severin sa katahimikan

The Case of dear BonnieWhere stories live. Discover now