Kabanata II

38 24 0
                                    

Sunny's POV

It's already 10 pm at halos kakauwi lang namin ng mga kaibigan ko galing sa medical mission. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama, I can't even manage na magpalit pa ng damit, kahit tumayo para kumain ay hindi ko na rin magawa sa sobrang pagod, napabuntong hininga na lamang ako at pinikit ang aking mga mata. Siguro kung kasama ko sila nanay ay may mag aasikaso sa'kin kapag pagod akong umuwi, siguro may nakahain ng pagkain at damit kong pamalit, siguro kung... haaay naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa aking mga mata. Pinahiran ko ang aking mga luha at naupo sa kama. Tiningnan ko ang kabuuan ng aking munting kwarto, napakalungkot. Bumukod ako during my freshman year in college, umalis ako sa amin dahil may gusto akong patunayan sa aking pamilya lalo na sa aking tatay pero hangang ngayon na nakatapos na ako at may magandang trabaho ay balewala pa rin 'yun sa kanya, ito siguro ang dahilan na kahit miss ko na sila ay hindi ko naisipang umuwi.

Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni ay tumunog ang aking phone, tumatawag pala si Eric, kakamustahin kaya n'ya ako? "Hell---"

"Ano ang update sa Asylum?" Bungad n'ya bago ko pa man s'ya mabati, oo nga naman, bakit n'ya ako kakamustahin? I'm just his ex.

"W-wala pa, nagpapahinga lang ako saglit bago ko i-check ang mga ipapasa nating requirements nila" sagot ko sa kan'ya. Kamustahin mo 'ko... itanong mo kung kumain na ba ako... mag-alala ka sa'kin gaya ng dati... mga bagay na gusto kong hilingin sa kan'ya ngunit alam kong hindi na pwede... hindi na dapat... dahil hindi na nga kami.

"Sige, message me kapag nalaman mo na para magawan natin ng plano if talagang pwede tayo mag medical mission sa kanila"

"Si---" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko nang ibaba n'ya ang tawag. Siguro nga hangang magkaibigan na lang kami. Tinapon ko sa kama ang phone ko at tumingin sa salamin sa tapat ko, sino ba kasi ang mag stay sa katulad ko, ni hindi ko kayang asikasuhin sarili ko, hindi rin ako maganda gaya ng ibang babae.

Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin nang may mapansin akong tila imahe ng tao sa likuran ko. Tumaas ang aking mga balahibo dahil ako lang naman ang nandito sa kwarto ko. Napalunok ako bago lumingon ngunit wala naman akong nakita- tanging puting kurtina lang at ang katabi nitong upuan na may mga damit, siguro ay namalikmata lamang ako. Tiningnan ko muli ang salamin...

"AAAAAHHHH!!!" dali-dali kong binuksan ang ilaw ng kwarto dahil sa takot... ang imahe na nakita ko kanina sa likod ko ay nakita kong nasa tabi ko na nang tumingin muli ako sa salamin at hindi na s'ya basta imahe na lamang dahil mas naaninag ko ang puting suot nito at ang mahabang buhok n'yang nakalugay na tumatakip sa muka nito.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa takot kanina, dahan-dahan akong napaupo sa sahig at hinabol ang aking hininga. Muling tumunog ang aking phone, may tumatawag na naman... hindi ko kayang sagutin, natatakot ako baka makita ko na naman yung babae... hinayaan ko lang ang tawag, mamamatay din 'yan, ngunit, hindi ko pa man lubos na nahahabol ang aking hininga ay tumaas na naman ang aking balahibo nang tumigil ang pagtunog ng phone ko at nagsalita sa kabilang linya si Jade na takot na takot.

"S-sunny? Sunny nandyan ka ba? N-natatakot ako... may babae... m-may babae akong--- ssshhh..." naputol ang pagsasalita ni Jade at may ibang boses ang nagsalita hangang sa namatay na ang tawag

"Ssshhh..." isang bulong ang tuluyang gumimbal sa aking gabi, ang babae... katabi ko... at kita ko ang nanunuyot at nangingitim nitong labing nakangiti sa'kin...

"AAAAHHHHH!!!"

Jade's POV

"The Asylum is a 50-bed acute tertiary psychiatric hospital. Set amidst serene surroundings, The Asylum offers a comprehensive range of psychiatric, rehabilitative and counselling services for children, adolescents, adults, and the elderly.

The Asylum's tradition of care started in 1928. It is the first mental hospital in the Philippines, starting with 10 patients. Since then, many advances have been made in treatment, training, and research. The treatment integrates evidence-based therapies, supported by the departments of clinical psychology, nursing, occupational therapy, and medical social work, to provide holistic care for their patients." basa ko mula sa aking computer tungkol sa psychiatric hospital na balak naming puntahan. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko sa lugar na ito. It looks like a normal mental hospital to me, pero mabigat tingnan ang lugar. Ano'ng meron sa'yo na kinakabagabag ng kalooban ko?

I was playing with my pen nang mahulog ito sa sahig, still browsing files about The Asylum, inabot ko pa rin ang ballpen ko sa ilalim ng aking desk. Nang makapa ko na ito, dadamputin ko na sana ngunit may pwersang humila pabalik nito. Napalunok ako at dahan-dahang tumingin sa baba...

"FUCK!" Nabitawan ko ang aking hawak at napatalon mula sa aking pagkakaupo nang may isang babae akong nakita na nakahawak din sa dulo ng aking ballpen. Dali kong binuksan ang ilaw at sinilip muli ang ilalim ng aking desk... wala... wala na akong nakita... pero sigurado akong hindi ako namalikmata dahil naramdaman ko talaga ito...

Akma kong bubuksan ang pinto ng aking kwarto upang pumunta sa kusina at magpakalma ng aking sarili ng isang malamig na kamay ang tumakip sa aking mga mata... dinig na dinig ko ang bulong nito na malapit sa aking tainga...

"Alis... umalis na k-kayo..."

"AAAAHHHH!!!" Nagmamadali akong umalis ng aking kwarto. Nang makalabas ako ng bahay ay dali kong tinawagan si Sunny, hindi ko alam bakit s'ya pero basta s'ya ang unang pumasok sa isipan ko upang tawagan.

"S-sunny? Sunny nandyan ka ba? N-natatakot ako..." nauutal ko pang saad sa kan'ya nang sagutin n'ya ang tawag ko

"May babae... m-may babae akong---"

"Ssshhh..." naputol ang aking sasabihin nang may ibang boses akong narinig sa linya. Napatingin ako sa bintana ng aking kwarto at nakita ko ang babae... babaeng nakaputi at may mahabang buhok... hindi ko maaninag ang muka nito ngunit kita ko ang kamay niya... ang daliri niya ay nakadikit sa kan'yang labi na tila... pinapatahimik ako...

At naputol na nga ang linya.

○○○

Hi! How's this chapter? Let me know your thoughts!

The Case of dear BonnieWhere stories live. Discover now