Kabanata IV

28 3 0
                                    

Sunny's POV

Isang linggo na ang nakakalipas magmula noong may nagparamdam sa'ming multo ni Jade, naikwento na rin namin sa aming mga kaibigan ang buong pangyayari pero hangang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang babaeng multo na 'yon at ano ang kailangan n'ya sa'min.

"Sun! Tara na, tulungan na kita" representa ni Fred at kinuha sa'kin ang mga dala kong box ng vitamins. Ngayon ang araw ng pagpunta namin sa Asylum. We will stay there for 3 days to help them out at we are hoping na marami rin kami matutunan sa kanila. Ang serbisyong gagawin namin sa kanila will end our group's celebration, after nito ay babalik na kami sa trabaho namin sa ospital as nurses.

I was about to enter the van nang makasabay ko si Monique, napahinto kami parehas at tila pinapakiramdaman ang isa't isa. Does she feel awkward dahil sa nangyari last time? Well, she better be.

"Sakay na!" sigaw ni Eric na nasa driver's seat na nakapag pataranta naman kay Monique, dali-dali itong naupo sa passenger's seat at sinara ang pinto.

I rolled my eyes bago sumakay katabi nila Fred at Lecs, naiinis ako, I want them to feel sorry pero mukang their just distancing their selves hangang sa lumipas ang galit ko, hangang sa ako na ulit ang unang mag-approach sa kanila, lagi naman ganun eh.

"Kumpleto na ba? Wala na ba tayong naiwan?" tanong ni Eric habang inaayos ang rear view mirror, nakita ko pa na nagtama ang aming tingin ngunit mabilis n'ya itong iniwas; ako, iniwan mo 'ko...

"Wala na brad, tara na" sagot naman ni Fred pagkatapos tingnan sa likod ang mga gamit namin pati na sina John at Jade na natutulog,tinanguan naman s'ya ni Eric at pinaandar na ang aming sasakyan. It's going to be a long ride, I sighed.

Eric's POV

6:30 am na pagtingin ko sa wrist watch ko, konti na lang at makakarating na kami sa Asylum, halos dalawang oras din ang byahe namin, buti na lang talaga at maaga kami umalis, hindi kami inabutan ng traffic.

Sinulyapan ko ang mga kasama ko mula sa rear view mirror, buti pa sila mahimbing tulog. Dumako naman ang tingin ko kay Sunny at biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya't napreno ko ng 'di sinasadya ang van, ulit.

"Shit..." ang nasabi ko na lang at nilingon s'ya ng tuluyan, m-may babae s'yang katabi kanina... n-nakita ko talaga... i-imposibleng si Lecs 'yun dahil nasa likod ko s'ya. Shit!

"Gosh! Ano bang problema mo 'Ric?" galit na tanong ni Lecs nang magising sila dahil sa pagpreno ko

"S-sorry!" napalunok ako dahil hindi talaga maalis ang tingin ko sa side ni Sunny, walang babae. Namalikmata lang ba 'ko?

"M-may dumi ba sa muka ko? Bakit mo 'ko---"

"Wala. Namalikmata lang ako." pagputol ko sa sinasabi n'ya at umayos na ulit ako ng upo. Pinakalma ko ang sarili ko bago ko ulit paandarin ang sasakyan. Namalikmata lang ako, oo, hindi totoo ang nakita ko, masyado lang ata ako naniwala sa kwento nila Jade at dahil lang ata ito sa pagod, tama, ganun nga.

"Eric sigurado ka bang dito ang daan natin? Parang nawawalan na ata ng mga bahay" nagtatakang tanong ni John na nagising din dahil sa'kin

"Oo, sabi sa map ko dito talaga ang daan" paninigurado ko pa kahit na nagtataka na rin ako dahil puro matataas na damo na lamang na pumuno sa mga bakanteng lote ang nadadaanan namin, halos wala na kaming nadaanang kabahayan kanina at hindi na rin sementadong daan ang dinadaanan namin.

"Bigla ata ako nilamig..." bulong ni Monique sa tabi ko sabay hina sa aircon ng sasakyan. Ewan ko ba pero tumaas din ang mga balahibo ko habang tinatahak namin ang daan na ito. Pakiramdam ko ay may nagtutulak sa'kin para 'wag nang tumuloy, na bumalik na kami, pero pilit na nilalabanan ng katawan ko at patuloy akong nagmamaneho.

"The Asylum..." basa ni Jade paghinto namin sa lumang gate na nasa harapan namin, kinakalawang na ito, mukang napabayaan na. Ang pader na pinagdidikitan nito ay nilulumot at ang ilang bahagi nito ay bumagsak na. Ospital ba talaga 'to? Parang makita mo pa lang ang gate nila ay lalo kang mabaliw sa takot.

Fred's POV

"Ako na magbubukas ng gate, mukang hindi naman nila tayo pagbubuksan" presenta ko at bumaba na ng van. Fuck! Bakit ang lamig ata dito? Wala pa naman kami sa Baguio ah. Pinagkiskis ko ang aking mga palad bago buksan ang gate, ang hirap! Masyado na itong kinakalawang at nastock na ata, hindi makakadaan ang sasakyan namin, mukang kailangan namin maglakad mula dito. Hindi ata medical mission ang maitutulong namin sa kanila, clean and green pa ata!

"Hindi mabubuksan ng malaki ang gate, kailangan natin maglakad" balita ko sa kanila at kita ko ang mga disappointed nilang mga muka, lalo na si Lecs at Monique na ngayon pa lang ay mga nagsisipagreklamo na.

"Tama na 'yan, iwan muna natin dito mga gamit natin, dalin n'yo lang yung mga importante, nandito na tayo, there's no turning back" saad ni Eric na sinunod naman naming lahat. Kanya-kanya rin kami ng suot ng sweater dahil malamig talaga!

Pinangunahan kami ni John sa pagpasok, bumungad sa'min ang isang malaki ngunit lumang fountain, nilulumot na ito at mukang hindi na rin gumagana dahil wala naman itong tubig, may mga ugat na nga rin na tumubo sa palibot nito. Ano ba namang klaseng ospital 'to? Hindi papasa 'to sa kalinisan eh.

"Tao po?" katok ni Sunny sa front door, ilang lakad lang pala at mararating na namin ang mismong ospital mula sa fountain, at this is not what I have expected base sa mga nadaanan namin, may lumang disenyo ang ospital na tila mansyon, maganda ito kahit na mukang hindi masyadong nalilinis ang mga pader, sa laki nito ay talagang mahihirapan ang sinomang maglilinis.

"Tao p---" hindi na natapos ni Sunny ang kan'yang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa'min ang isang babae na sa tingin ko ay nasa edad na kwarenta na. Nakasuot ito ng puting scrub dress at cap, sigurado akong nurse s'ya dito.

"Magandang umaga po, ka---"

"Sumunod kayo, kanina pa kayo hinihintay nila Doc Liu" putol nito kay Eric saka umalis. Nagtinginan naman kami bago sumunod dito, napakasungit naman ng nurse na 'to.

"Ang ganda..." namamanghang bulalas ng mga kasama ko, totoo naman, napakaganda sa loob ng ospital na 'to, parang mansyon. May chandelier sa kisame, may dalawang hagdan din sa magkabilang parte ng unang palapag at tila magarbong sala set pa ang sasalubong sa'yo pagpasok mo, lobby ba ito? Pa'no na lang kaya yung ibang kwarto? Baka mas maganda pa dito. Parang gusto ko na rin maging baliw at dito manatili.

"Maligayang pagdating sa The Asylum" bati sa amin ng isang may katandaang lalaki, s'ya siguro ang doctor dito. Singkit ang kanyang mga mata at matangos ang kan'yang ilong, hindi naman s'ya katangkaran pero kita mo ang laki ng kan'yang katawan, tantiya ko ay nasa singkwenta na ang lalaking ito.

Kanya-kanya kaming bumati sa kan'ya, nginitian n'ya naman ang bawat isa sa'min, "Alam kong malaki ang maitutulong n'yo sa aming ospital..." ngisi nito, pormal ang kan'yang pagkakasabi pero tila may iba pang kahulugan ang kan'yang ibig sabihin, hindi ko alam kung ako lang pero kinabahan ako sa mangyayari sa'min dito.

Her POV

Natigil ako sa aking pagsusuklay nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan mula sa aking kwarto, nandito na sila...

Malapad ang aking ngiti ay tinungo ko ang pintuan ng aking kwarto at sinilip sila, "Uuugh..." mahina kong ungol habang tinitingnan ang mga bagong dating mula ulo hangang paa, napakagaganda...

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking laway nang makita kong tumingin s'ya sa aking direksyon... "Kay tagal kitang hinintay..." wika ko sa aking sarili sabay hagikhik. Ngayon, sisiguraduhin kong hindi mo na 'ko iiwan... dito ka lang... hihihihi

○○○

Pambawi sa matagal na pagkakawala hehe excited na ba kayo? Tapos na 'ko sa introduction ng story, ang mga susunod na chapters ay ang mga exciting parts na, stay tuned Aces!

The Case of dear BonnieWhere stories live. Discover now