Kabanata VI

40 4 0
                                    

Her POV

"Umalis na kayo! Umalis na kayo! Nand'yan na s'ya... nand'yan na s'ya..." iyak n'ya habang hila-hila ko ang buhok n'ya papunta sa kan'yang kwarto, napakaingay mo... ayoko ng maingay... napakadaldal... ayoko ng madaldal... nakita ko, oo, nakita kong kinausap n'ya ang isa sa kanila... nandun ako... nakita ko s'ya... talagang taksil ang isang 'to...

"Tahimik! Manahimik ka! Tahimiiik!!!" sigaw ko sa kan'ya pagkapasok namin sa kan'yang kwarto. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at humarap sa kan'ya, nakaupo na naman s'ya sa sulok ngayon, takip-takip ang kan'yang bibig gamit ang kan'yang kamay, patuloy pa rin sa pag-agos ang kan'yang mga luha... nakakaawa, wala ka ng pag-asa

Dahan-dahan ko s'yang nilapitan, bakas sa kan'yang mga mata ang takot habang papalapit ako sa kan'ya... tama 'yan, dapat lang... "Manahimik ka lang... malapit na tayo gumaling Nica... gagaling na tayo sa pamamagitan nila..." bulong ko malapit sa kan'yang tenga at pinahiran ko ang kan'yang mga luha

"M-mga demonyo kayo... demonyo kayo... demonyo kayo..." patuloy n'yang bulong habang nakatitig sa'kin, nginitian ko lamang s'ya, "Oo, demonyo kami... demonyo si Bonnie" dinilaan ko ang kan'yang sintido at humagikhik

Lec's POV

"Ayan tapos na, gagaling din naman agad 'yan, we're really sorry sa nangyari, hindi naman nila usually ginagawa 'yun" paumanhin ulit ni Dra. Severin habang nililigpit ang mga ginamit n'yang pang gamot sa'kin, dumeretso kami sa clinic matapos nang nangyari sa'kin, bwisit talaga. Hindi ko na s'ya sinagot, I'm so disappointed and pissed off!

"Tapos na ba kayo? Pinapatawag na tayo ni Dr. Liu" tawag ni Dr. Cole mula sa pintuan, kasunod naman niyang dumating ang mga lalaki

"Tapos na, sumunod na kayo ha? Mauna na kami" tapik ni Dra. Severin sa'kin bago kami tuluyang iniwang magkakaibigan sa clinic

"So what happened? Bakit ka kinagat?" natatawa pang tanong ni Monique sa'kin

"Mukang grabe pagkakakagat sa'yo babe, sino ba baliw na 'yun? Papatulan ko lang" nanggigigil naman si Fred na hinawakan ang muka ko at sinuri ang tenga ko na kinagat

"Hayaan n'yo na, dapat siguro hindi ako nagsuot ng hikaw, ito siguro dahilan bakit ako kinagat kanina" irita kong sagot sa kanila at tinapik ang kamay ni Fred na nakahawak sa muka ko at tinanggal pa ang isang hikaw na suot ko sa aking kabilang tenga

"Sinabihan ko naman kayo diba, avoid wearing jewelries muna habang nandito tayo. Pasalamat ka kinagat ka lang, pa'no na lang kung hinila hikaw mo, baka natapyas 'yang tenga mo, naka piercing ka pa naman" litanya ni John, inirapan ko na lang s'ya, alam ko, kasalanan ko, kaya ko nga tinanggal na yung hikaw ko eh, tsk.

"Jade, bakit parang namumutla ka? Kanina ka pa parang wala sa sarili mo eh" usisa ni Sunny kay Jade, may nangyari rin ba sa kan'ya kanina?

Jade's POV

"May isang pasyente kanina akong nilapitan, hindi s'ya gaya ng ibang pasyente dito, hindi s'ya maayos tingnan..." alam kong kailangan din nilang malaman 'to, may kutob din kasi ako sa sinabi sa'kin kanina ng babaeng 'yun

"Ano naman meron sa kan'ya? Sinaktan ka rin ba n'ya brad?" tanong naman ni Eric, umiling naman ako

"Pinapaalis n'ya tayo dito... binalaan na raw tayo pero hindi tayo nakinig... hindi ko alam pero parang bawat sinabi n'ya ay napakabigat at may katotohanan... tingin n'yo?" tumaas ang balahibo ko habang sinasabi sa kanila ang mga ito, pakiramdam ko rin ay may nakatingin sa'kin mula sa malapit...

"Masyado naman nila tayo tinatakot... una ay yung creepy na lugar nila dito, pangalawa si Lecs, tapos yung sa'yo naman---"

"'Wag tayo mag-isip ng kung anu-ano, tayo ang nagpresentang tumulong sa kanila, kung may nagiging problema man, I'm sure hindi nila sinasadya 'yun, sino ba gustong manakit sa mga taong tumutulong sa kanila, diba?" putol ni Eric sa sinasabi ni Sunny, may punto naman s'ya, pero ewan ko ba, parang may mali talaga...

"Eric is right, masyado lang natin tinatakot mga sarili natin, tatlong araw lang naman tayo dito so let's just make the best out of it and stop worrying" suporta ni Monique sabay tapik sa balikat ko, napabuntong hininga na lamang ako, siguro nga masyado lang ako negative at nasa isip ko lang na may masamang mangyayari, ano ba naman pwedeng mangyaring masama sa loob ng tatlong araw, diba? Wala. Tama, wala.

"Well, kung settled na tayong lahat, sumunod na tayo sa office ni Dr. Liu, kanina pa n'ya tayo hinihintay" suhestyon ni John, sumang-ayon naman kami lahat at sabay-sabay na pumunta sa office ni Dr. Liu

Eric's POV

"Before we start, humihingi ako ng tawad sa nangyari sa'yo Lecs, we're really sorry" bakas ang sinseridad sa muka ni Dr. Liu habang humihingi ng tawad kay Lecs, nandito na kami ngayon sa office n'ya, and unlike any other doctor's office, puno ng libro ang lugar na ito, may iba pa namang gamit at awards ng ospital nila pero mas marami pa rin talaga ang libro, I wonder kung tungkol saan ang mga 'yun

"Ayos na po, you don't have to say sorry" pagpapakababa naman ni Lecs at nginitian ang mga doctor sa harap namin, tumango naman si Dr. Liu at akmang magsasalita na nang unahan s'ya ni Jade

"Asawa n'yo po pala yung namatay na doctor na naikwento ni Dra. Severin kanina?" nakangiting tanong nito, ano bang pumasok sa utak nito at nagtanong ng ganung kapersonal na bagay? Wala naman 'yun kinalaman sa gawain namin dito, hay nako Jade! Nagkatinginan naman si Dr. Liu at Dra. Severin, mukang humihingi ng pasensya si Dra. Sev dahil napayuko na lamang ito nang tingnan s'ya ni Dr. Liu. Napabuntong hininga si Dr. Liu bago lapitan ang family picture nila na nakasabit sa dingding, oo, family picture, si Dr. Liu, isang babae na sa tingin ko ay ang asawa nga n'ya at dalawang batang babae na sa tingin ko ay nasa edad limang taon at tatlong taon, anak n'ya ba ang mga ito? parang namumukaan ko yung isa pero hindi ko maalala kung saan ko ito nakita...

"Oo, asawa ko s'ya, s'ya si Dra. Elizabeth Liu, namatay s'ya dahil sa leukemia matagal na panahon na, at ito naman ang aming mga anak, si Maurice, ang aming panganay, at si Bonnie, ang aming bunso" kwento ni Dr. Liu, bakas sa kan'yang muka ang lungkot habang sinasabi ang mga ito sa'min, natuon naman ang atensyon ko sa kanilang panganay, pamilyar talaga ang muka n'ya, Maurice... saan ko ba narinig ang pangalang ito?

"Kinalulungkot po namin ang nangyari sa asawa n'yo---"

"Ang mga anak n'yo po? Nasaan po ang mga anak n'yo?" pagputol sa sinasabi ni John at tanong ulit ni Jade na tila gusto ata malaman buong buhay ni Dr. Liu, napakadaldal naman nito

"Ang mga anak ko... si Bonnie... isa s'ya sa mga pasyente namin dito..." sagot ng doctor na ikinagulat naming lahat, paano? Bakit nabaliw ang sarili n'yang anak?

"Y-yung panganay n'yo po, nasaan naman?" si Sunny ang pumutol sa katahimikan ngunit tumalikod na si Dr. Liu, mukang ayaw n'yang sagutin ang tanong na 'yun, may pagkateleserye pala ang buhay ng doctor na ito, ano pa kaya ang malalaman namin sa loob ng tatlong araw tungkol sa kan'ya? Tungkol sa kanila?

"I think we should start our meeting? We will discuss our routines in the morning first..." pag-iiba ni Dra. Severin sa usapan, nawala na rin ang tensyon sa kwarto dahil dito pero alam ko, sa isip naming magkakaibigan, marami pa kami gusto malaman, at alam kong pare-pareho kaming desididong malaman ang kabuuan ng kwento ni Dr. Liu, at si Maurice... alam kong maaalala ko rin kung sino ka at paano kita nakilala dati...

○○○

Revelations muna! Vote vote vote! ❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Case of dear BonnieWhere stories live. Discover now