Kabanata III

28 3 0
                                    

Lecs' POV

"Eto mag gatas muna kayo nang mahimasmasan kayo" alok ko kay Jade at Sunny na ngayon ay nandito sa unit namin ni Fred. Past midnight nang dumating silang dalawa, asking us kung pwedeng dito muna sila and of course pumayag kaming dalawa, sino ba naman sila para hindi namin patuluyin lalo na at hindi mapaliwanag ang itsura nila nang dumating sila dito.

"Papunta na rin daw sila Eric at Monique dito, si John hindi ko macontact, tulog na ata" balita ni Fred

Tiningnan ko naman ang dalawang 'to, kanina pa kasi sila walang imik although nakwento naman na nila ang nangyari, mahirap paniwalaan pero hindi naman sila magloloko sa ganung klaseng bagay involving... ghost.

"M-magkasama ba sila... Eric at Monique?" tanong ni Sunny na nakayuko at tinitingnan ang gatas n'ya. Tiningnan ko naman si Fred at pinanlakihan ng mata saying na ayusin mo ang isasagot mo.

Napalunok naman ang lalaking 'to bago sumagot, "Oo, pero sinundo lang naman siguro ni Eric si Monique kasi sira sasakyan n'ya eh, imposible namang magkasama na sila bago pa man sila pumunta dito haha" awkward na tawa pa n'ya. Tiningnan ko naman si Sunny at tumango lamang ito. Alam namin ang past nilang dalawa ni Eric, pero gaya nga ng sabi ko, past na, they broke up...rather, Eric broke up with her... pero kahit ganun, alam namin at halata naman na mahal pa s'ya ni Sunny until now.

*dingdong*

"Sila na ata 'yan" tumayo si Fred at tinungo ang pintuan upang pagbuksan sila Eric at Monique

"Oh my god! Nasa'n sila? Are they okay?" nag-aalalang bungad ni Monique pagkabukas ng pinto sabay takbo papunta kay Sunny at niyakap ito "Are you okay? Don't worry 'cause you're safe na" wika n'ya at hinawakan din si Jade sa kamay na nginitian lamang s'ya

"Okay na kami, don't worry" sagot ni Sunny at nginitian ito

"So, totoo ba yung kwento ni Fred sa'min? May nakita kayong multo at..."

"Oo." pagputol ni Jade sa tanong ni Eric nang hindi tumitingin dito. Nakaramdam naman si Eric na ayaw itong pag-usapan ni Jade kaya't nanahimik na lamang ito.

"Masyadong mahaba ang araw natin, maraming nangyari, magsitulog na muna tayo, kailangan natin magpahinga" aya ko sa kanila, napakarami naman kasi talagang nangyari, kailangan namin ng tulog

"Girls sa kwarto na kayo, dito na kami sa sala ni Eric matutulog" suhestyon ni Fred

"Dito na rin ako, komportable naman ako kahit saan matulog" presenta naman ni Jade, well ayos lang naman talaga dahil she's a he already. Tumango lang ako at inaya na sila Sunny at Monique sa kwarto.

"Make yourselves comfortable, dadalan ko lang ng unan at kumot ang mga boys" wika ko sa dalawa na ngayon ay mga nakaupo na sa kama habang kumukuha ako ng gamit

"Maraming salamat Lecs" wika ni Sunny bago ako lumabas ng kwarto, nginitian ko lamang s'ya, "Pahinga ka na" sabi ko bago ko sinara ang pinto ng kwarto.

Monique's POV

Time check, 2:36 am. Nauuhaw ako ugh! Dahan-dahan akong bumangon sa kama para hindi ko magising ang dalawa kong kasama na mukang mahimbing ang pagkakatulog; mga nakatalukbong pa sila ng kumot pareho. Ginamit ko na lamang ang ilaw ng aking phone para maaninag ko ang daan, hindi ko na bubuksan ang ilaw at baka magising pa sila.

"Ugh! Thank god I'm refreshed" nasambit ko na lamang nang makainom na ako ng malamig na tubig sa kusina

Hinuhugasan ko na ang aking basong ginamit nang may makita akong nakatayo sa gilid ko from my peripheral vision, nilingon ko naman ito agad pero wala akong nakita, guni-guni ko lang ata. Isang hangin mula sa aking likod ang nagpataas ng aking mga balahibo... napalunok na lamang ako, I'm no scaredy cat pero fuck kapag naaalala ko yung nangyari kela Jade at Sunny kinakabahan na lang ako.

Dahan-dahan kong ibinalik ang baso'ng nahugasan ko sa lalagyan nito, "SHIT!" gulat ko nang pagharap ko ay bumungad sa'kin si Eric na tawang tawa, walang hiya.

"You scare the hell out of me! Bastard!" inis na pinalo ko s'ya sa braso

"Sorry hahaha ang cute mo'ng magulat hahaha" he laughed, inirapan ko na lamang s'ya. Akmang aalis na 'ko nang yakapin n'ya ako mula sa likod, "Don't go..." he whispered to my ear, ugh Monique 'wag kang bibigay...

"Parang tanga 'to, alisin mo na 'yan at baka may makakita pa sa'tin" tinanggal ko ang pagkakayakap n'ya at aalis na sana nang hilahin n'ya ako and pinned me. Dinikit n'ya ang kan'yang noo sa noo ko, ang ilong n'ya sa ilong ko... no. No, mali ito.

"Stop, mal---" 'di ko na natapos ang aking sasabihin dahil naramdaman ko na ang malalambot n'yang mga labi na dumampi sa'kin, wala na, bumigay na ang ate n'yong marupok. I kissed him back.

"S-sorry..." we parted nang may ilaw na tumapat sa amin, si Sunny... I bit my lower lip out of guilt, kita ko sa mga mata n'ya na nasaktan s'ya sa nakita n'ya

"It's okay." malamig na sagot ni Eric, napatingin naman ako sa kan'ya, why is he doing this to her? Ginulo n'ya lamang ang buhok ko bago umalis, dinaanan n'ya lamang si Sunny na nakayuko.

"I-Im sorry..." I said at umalis na rin, iniwan ko s'yang nakatayo at hindi umiimik sa kusina, nahihiya ako, I don't know what to say... although hindi naman na sila pero, shit! Sunny is my friend for Pete's sake! And eto ako at nilalandi ng ex n'yang mahal pa n'ya. Argh!

Sunny's POV

Napakasakit... paano n'ya nakakayang gawin 'to sa'kin? At sa kaibigan pa talaga namin! Bakit madali lang sa kanilang saktan ako?

Ramdam ko na ang pagtulo ng mga nag-uunahan ko'ng luha pati ang pagkirot ng aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang aking phone at pinatay ang flashlight nito, ayokong may makakita sa'kin na umiiyak ako.

I don't know what hit me but I found my self typing a number to call... "H-hello?" nanginginig ko pang bungad, pinipigilan ko ang pag-iyak

"Anong masamang hangin ang umihip sa'yo at napatawag ka?" he asked, ramdam ko ang galit n'ya sa'kin sa mga pananalita n'ya, tuluyan na ngang tumulo muli ang aking mga luha, ang bigat ng nararamdaman ko

"P-pa... pa gusto ko na po umuwi... u-uuwi na po ako..." I cried. I heard him sigh at maikling katahimikan ang nanaig bago s'ya sumagot, pinakinggan pa n'ya ata ang pag-iyak ko

"Sinong magulang ang makakatiis sa anak? Hihintayin ka namin..." mahinahon na nitong sabi na nakapagpagaan ng aking kalooban, salamat... sa dinami ng taong akala ko hindi ako iiwan at sasaktan, tanging pamilya ko lang pala ang tunay kong mauuwian...

○○○

Sorry natagalan mag-update! I hope you enjoyed this part. Please share me your thoughts!

The Case of dear BonnieWhere stories live. Discover now