THIRD PERSON POV
Naglalaro ngayon sa park ang batang panot na si Joana Palaiyon kasama ang forever bestfriend niya na si Tenny Baclayu. Pinagtatawanan ni Joana si Tenny dahil sa kadahilanang ang isang ngipin nito sa harap ay natanggal at ani pa ni Joana na nagmumukhang bungi ang kanyang kaibigan.
"Huwag mo nga akong pagtawanan! Dapat nakikiramay ka sa pagkawala ng isang ngipin ko. Ang sama mo talaga." naiiyak nitong sigaw kay Joana.
Hindi inintindi ni Joana ang sinabi ng kaibigan at nagpatuloy lang sa pagtawa.
"Bungi ka pa rin. Bleee." nang-iinis na wika ni Joana.
Tumingin ang batang si Tenny kay Joana nang masama. Galit na talaga ito sa kaibigan. Natigilan naman si Joana nang mapansin niya na ang sama ng titig sa kanya ni Tenny.
"Joke?" patanong nitong saad.
Napakamot ito sa batok at iniwasang mapatingin kay Tenny. Napalunok siya ng limang beses dahil first time niyang makitang galit ang kaibigan dahil sa pagbibiro niya. Napadasal siya ng wala sa oras.
"Humanda ka sakin Joana Palaiyon!" galit na sigaw ni Tenny kay Joana.
Agad naman napatakbo ang batang Joana palayo sa batang si Tenny. Takbo lang siya ng takbo habang natatawa na parang baliw kaya hindi niya namalayan na may nabunggo na pala siya. Sabay silang napatumba pero agad din naman nakabawi ang bata sabay tayo.
"Aray." wika ni Joana sabay hawak sa pwet niyang sumakit dahil nauntog sa sahig.
"Tsk, hindi kasi nag-iingat." naiiritang komento ng isang boses.
Inangat nang batang si Joana ang kanyang ulo upang makita ang hitsura ng damuhong nabangga niya pero hindi man lang siya tinulungan.
Pag-angat niya sa kanyang ulo ay napakurap agad siya. Ngayon lang siya nakakita nang ganoong klaseng kagwapuhan. Mala-fictional character daw sa wattpad. Black hair, matang mapang-akit at kissable lips. Ang sarap daw halikan sabi ni Joana sa kanyang isip. Agad siyang namula dahil ngayon lang siya nag-iisip nang ganoong bagay.
"Diyosko, ang bata mo pa Joana para mag-isip ng ganyang bagay. Ang landi mo!" sabi niya sa kanyang isip.
"Hey!" tawag pansin ng batang lalaki.
"Hi, my name is Joana Palaiyon. Ikaw?" nakangiting tanong ni Joana.
Sa halip na sumagot sa tanong ni Joana ay napataas lang ng kilay ang batang lalaki at naghalukipkip.
"Tumingin ka sa dinadaanan mo, idiot." wika ng batang lalaki kay Joana at sumakay sa kanyang bike.
'Idiot.'
'Idiot.'
'Idiot.'
Paulit-ulit ang katagang iyan sa utak ni Joana na parang isang sirang plaka. At simula noon ay naging ultimate crush na niya ang batang kanyang nabunggo. Gagawa ng paraan si Joana para malaman ang pangalan ng estrangherong bata na crush na crush niya.
"Magkikita din tayo balang araw at malalaman ko rin ang pangalan mo kaya humanda ka sa kamandag ng isang Joana Palaiyon!" proud nitong wika at tumawa ng mala-kontrabida.
Naabutan naman siya ng kanyang kaibigan kaya nakatanggap siya ng pagbatok mula rito. Nakapout nitong nilingon ang kaibigan. Panira ng moment.
"Tawag na tayo ni mama. Umuwi na daw tayo kasi magdidilim na." wika nito at hinila si Joana.
____________________________________
This Story is a work of fiction. Any names, characters, places and events are somehow fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events are purely coincidential.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed or transmitted by any form or by any means without the prior permission of the Author.
______________________________________Note: Sorry kung may mga grammatical error or wrong spelling sa story na ito. Handa akong humarap sa mga bad comments kung mayroon man dahil hindi naman lahat nagagandahan sa mga story ko na baduy. Salamat sa mga good comments kung mayroon man dahil ini-inspire ko akong magsulat. Sana suportahan niyo ang sobrang cliche na story ko. I'm a wannabe writer at proud ako diyan sa title ko. Hekhek, lovelots sa inyo.
BINABASA MO ANG
A Typical Cliché Story
ChickLitJoana Palaiyon is a girl with big dreams. Ang pangarap niya sa buhay ay makamit ang inaasam niyang pag-ibig with her ultimate crush na ubod ng sungit na si Zadie Sequeña. Ang lalaking ito ay napaka-aloof pagdating sa kanya pero sa iba ay hindi. Maka...