Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Nandito kami ngayon sa canteen. Nagtatambay lang kami dito habang hinihintay ang next teacher. I am with my friends Dana Bhabe and Shane. Hindi na sumama ang gagong si Tenny kasi nagtatampo daw siya. Bakla talaga iyon, daig pa babae kung makapagtampo. By the way, kumakain pala kami ngayon ng turon sponsored by Shane kuripot.
"Nasurpresa ako doon kay Tenny." pagsisimula ni Dana. Napalingon naman kaming dalawa ni Shane sa sinabi niya.
"Why?" tanong ni Shane.
"First time niyang nagparticipate sa class." nakangiti niyang sabi.
"Naks, kung makangiti wagas. Crush mo si Tenny no?" pagtutukso ko sa kanya. Lumaki naman ang mga mata nito.
"Hindi no! Nabigla lang talaga ako. Hindi ba kayo nabigla?" tanong niya sa aming dalawa ni Shane.
"Nabigla din. Shocking kasi ng ginawa niya. Change is coming na ba talaga para sa bugnuting iyon?" natatawang sabi ni Shane.
"Ano kayang napasok sa kukute ni Tenny at nagparticipate?" nakakunot kong tanong. Nakakapagtaka lang kasi.
"Joana, si Zadie oh!" sabi ni Dana sabay turo sa likod ko. Agad naman akong lumingon at nandito nga siya.
"Zadie!" tawag ng isang babae kay Zadie. Lumingon naman ang aking baby boy.
"Anong bibilhin mo?" tanong ng babae kay Zadie. Ginoo, sino siya?
"Si Katrina iyan diba?" tanong ni Dana kay Shane. Napatango naman si Shane.
"Katrina Grace Impas ang SSG president. Good looks, beautiful body and most of all matalino." pagde-describe ni Shane dito. Nakapout ko itong nilingon.
"Syempre mas cute ka pa din. Diba Shane?" tanong ni Dana kay Shane.
"Oo naman hindi ka nga lang matalino." sabi nito.
Ibinalik ko na lang ang paningin ko kay Zadie at Katrina. Bagay sila. Pareho silang matalino at magagandang nilalang. Hindi katulad ko parang potato nutshell. Ano bang relasyon nilang dalawa at parang close na close sila? Nagseselos ako crush ha.
Napalingon naman sa amin si Zadie ng sumigaw si Shane. Anong nangyare sa bruhang ito? Dinamay pa talaga ako sa kalokohan. Naglakad si Zadie papunta dito kaya agad naman akong nataranta. Bakit siya naglalakad papunta dito? Nasagot naman ang tanong ko ng huminto ito para bumili ng orange juice na katabi pala sa inuupuan namin.
"Mahilig ka pala sa orange juice, Zadie?" nakangiting tanong ni Katrina. Ngumiti naman dito si Zadie.
"Nope. I just want to buy one. May isa kasing taong mahilig sa orange juice so I wanna know how it taste like." sagot ni Zadie dito.
Hindi naman sa assuming ako pero assuming talaga ako. Mahilig din kasi ako sa orange juice kaso wala akong sapat na money ngayon kaya hindi ako nakabili and believe me I'm addicted to orange juice. So, you can't stop me if I'm assuming things kasi assumera naman talaga ako!
We are like watching a commercial on orange juice right now. Para kaming timang na nakatitig kay Zadie habang iniinom nito ang orange juice sa harapan namin. Ang way sa pagmove ng adams apple nito is so sexy. Pwede na nga itong maging modelo sa orange juice sa sobrang gwapo. Nagseselos tuloy ako sa orange juice buti pa siya nahalikan ni Zadie habang ako. Bwesit, ang landi ko po. Diyosko, ilayo niyo po ako sa tukso. Napatingin naman bigla si Zadie sa akin at nagsmirk kaya dumating na ang karma ko sa pagpantasya sa kanya. Ako po ay nabulunan.
BINABASA MO ANG
A Typical Cliché Story
Romanzi rosa / ChickLitJoana Palaiyon is a girl with big dreams. Ang pangarap niya sa buhay ay makamit ang inaasam niyang pag-ibig with her ultimate crush na ubod ng sungit na si Zadie Sequeña. Ang lalaking ito ay napaka-aloof pagdating sa kanya pero sa iba ay hindi. Maka...