Joana Palaiyon's POV
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Tirik na tirik ang araw nang tumunog ang pinakamamahal kong alarm clock. Bwesit, panira talaga ng tulog itong doraemon na alarm clock ko.
Bumangon na ako kasi alam ko namang late na ako. Literally late na late na ako. Alas nuebe na at alas otso ang start ng first period but instead of doing things fast, ang slow ko pa. Tinatamad talaga kasi ako ngayon. Ay, araw-araw pala akong tamad. Hindi naman ako tamad dati kasi may inspiration ako sa pagpasok pero bwesit lang talaga. Why? nagtake lang naman ng advance class ang ultimate baby boy ko. So, ayon nga nawalan na ako ng ganang pumasok.
"Ginoo, ano pang ginagawa mo diyan Joana?" gulat na tanong ni mama nang makita niya akong tumitingin sa kawalan. Morning feels.
"Maliligo na po." sabi ko at kinuha ng tuwalya.
"Ginoo, bilisan mo diyan! Late ka na." sabi ni mama at umalis na.
Pumasok na ako sa banyo. Nagtitigan kami ng tubig. Makaraan ang ilang minuto ay napagpasyahan kong maligo na kasi baka pingutin ni mader ang tenga ko. Masakit yun kaya bibilisan ko na lang ang pagligo. As soon as the water touches my skin ay napasigaw ako sa ginaw. Tanghaling tapat pero malamig pa rin ang tubig? Nasaan hustisya doon? Tiniis ko ang lamig dahil ayoko talagang mapingot ang tenga ko. You can do it, Joana! Hang in there! Matatapos din ito.
Tapos na akong maligo at agad naman akong nagbihis dahil sa super ultra-ginaw na aking nararamdaman. Charness, mabilis pa nga sa alas kwatro akong napabihis. Ayoko ko talaga sa lamig at ayoko din sa init. Ayoko sa kanilang dalawa dahil si Zadie lang gusto ko. Naks, ang landi mo Joana.
"Binaunan na kita ng breakfast mo. Eat it on your way to the school." sabi ni mama sabay bigay sa akin ng baon kong money and yung breakfast.
"Okay po." I replied.
"Huwag na huwag mong kalimutan kumain." pagbabanta ni mader sa akin.
Alam kasi nitong hindi ko kinakain ang breakfast na baon ko dahil sa sumbungero kong forever bespren na si Tenny. Bakla yun at napakapangit. Sarap nun pagtitirisin at ipalaplap sa isang dosenang pokpok. Hmp.
"Umalis na po ba si Tenny, Ma?" tanong ko dahil baka nilamok na oyon sa kakahintay sa akin.
"Aba'y oo! Sa tagal mong iyan. Umuna na lang siya. Kanina pa yung alas sais dito at eight: thirty na nakaalis. Kawawang bata at dinamay mo pa sa pagkalate mo." litanya nito sa akin pero likas na talaga sa akin ang pagkademonyo kaya hindi man lang ako nakonsensya.
"Sige, aalis na me. Byers." pagpapaalam ko at nagbless kay mader.
"Ingat ka." sabi niya.
Tumango naman ako bilang sagot. Agad akong sumakay sa tricycle ni Mang Homer dahil magpapahatid ako sa waiting shed.
⭕ ⭕ ⭕ ⭕ ⭕
Lumipas ang ilang minuto ay narating na namin ang waiting shed sa may kanto at jackpot dahil may bus na paparating. Naks, swerte ko naman. Bumaba na ako sa tricycle at nagpasalamat kay Mang Homer. Huminto naman yung bus kaya sumakay ako kaagad.
"Time check. Eleven: forty one." sabi ko. Mga alas dose ay mararating ko na ang school. Makatulog na nga lang. Joke, wag na lang pala.
BINABASA MO ANG
A Typical Cliché Story
ChickLitJoana Palaiyon is a girl with big dreams. Ang pangarap niya sa buhay ay makamit ang inaasam niyang pag-ibig with her ultimate crush na ubod ng sungit na si Zadie Sequeña. Ang lalaking ito ay napaka-aloof pagdating sa kanya pero sa iba ay hindi. Maka...