CHAPTER EIGHT

17 3 0
                                    






Joana Palaiyon's POV









                    ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕







Nakaupo ako ngayon sa may bintana ng art room. Damang-dama ko ang simoy ng hangin at ang huni ng mga ibon. Tahimik lang ang aking kapaligiran kaya ako ay napangiti kaso agad rin itong nawala ng nangawit na ang aking katawan.


Sumasakit na ang aking leeg dahil mag-iisang oras ng ganito ang posisyon ko. Magkakaroon siguro ako nito ng stiff neck. Bwesit lang. Ginalaw ko ng konti ang katawan ko.

"Don't move." sita sa akin ng guro.


Bakit ko ba kasi ginawa ang kalokohang ito? Kung nagtataka kayo kung bakit ako nahantong sa kalagayang ito ay....


------------------------------------------------------
Flashback~


Wala na naman akong klase sa first period kaya naisipan kong dalawin ang classroom ni Zadie.

Sa oras na makarating ako ay nakita ko ang teacher nila sa arts class kayabumati ako dito. Nahihirapan ito sa pagdala ng napakaraming art materials kaya nag-alok ako ng tulong.

"Iha, wala ka bang klase ngayon?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.

"Pwede bang maging modelo ka sa art class namin ngayon?" tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango.


Iniisip ko kasi na oras-oras akong tititigan ni Zadie kapag ako ang naging model nila. Kaya walang pag-alinlangan akong tumango.




End of flashback
-------------------------------------------------------



So that's it agad kong pinagsisihan ang desisyon ko. Hindi ko na nga magalaw ang leeg ko. Hindi na ako comfortable sa posisyon ko. Hay nako!

Dumaan ang ilang oras at tapos na sila sa pagguhit kaya dahan-dahan akong tumayo. Sumakit bigla ang leeg ko kaya napaiyak ako in silence.

"Okay ka lang?" tanong ni Zadie. Nag-okay sign lang ako bilang sagot.

Hindi naman talaga ako okay. Nakakahiya kasing sabihin na hindi ako okay at pinagsisihan kong ginawa ko ang bagay na ito.

"Patingin." sabi ko sa kanya.

"Here." wika niya at inabot sa akin ang drawing pad niya.

Tinignan ko ito at agad akong nagtaka kasi silhouette ko lang ang ginuhit niya. Napakurap ako ng ilang beses kaso iyon pa rin talaga ang nakikita ko.

"Patingin." sabi ko kay Katrina at dinaklot sa kaniya ang drawing pad niya.

Tinignan ko ito ng maigi at silhouette rin ang nakita ko. Pareho lang sila ni Zadie ng iginuhit. Huh? Anong nangyayari? I can't believe this.

Inilibot ko ang drawing pad ng iilan at silweta ko lang ang ginuhit nila plus ang background. Yauah! Don't tell me na silweta ko lang ang kailangan? Naiiyak kong tinignan si Zadie pero tumawa lang ang kwago.

"Bakit silweta ko lang?" pagmamaktol ko.

"Mr. Junriz told us na silweta lang ang kailangan." he answered.

"Bwesit. Ang sama niyo!" Umiiyak kong sabi sa kanila.

Hindi ko na nga halos magalaw ang leeg ko tapos silweta ko lang pala ang kailangan. Mga yauah!

A Typical Cliché StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon