CHAPTER ELEVEN

6 1 0
                                    





Joana Palaiyon's POV










                   ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕










     Maingay ang gabi dahil sa tahol ng aso ng kapitbahay namin. At dahil sa ingay na ginawa ng asong yun ay nakisama na din ang ibang aso kaya mas naging maingay ang dapat sana'y tahimik na gabi ko. Nandito lang ako sa kwarto ko at nanonood ng videos sa YouTube. Currently, ang pinapanood ko ay hardest try not to cry challenge kaya badtrip ako sa mga asong ayaw makisama sa mood ko. Kung tahimik kasi ang paligid, mas sasarap ang pag e-emote ko kaso baliw ang mga aso sa paligid ng bahay namin.



"Bwesit." Sabi ko habang pinupunasan ang sipon ko.




  Sinipon na kasi ako dahil kanina pa ako umiiyak. Alam kong try not to cry to pero iba talaga impact kapag malungkot ka tapos nanonood ka ng mga sad videos. Kulang na nga lang at magvideo ako tapos ipo-post ko sa YouTube, with a caption like "Reacting to hardest try not to cry challenge" tapos puro iyak lang makikita ng mga tao. Sisikat siguro ako non.



"Joana." Tawag ni mama habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.



"Ano?" Pagtatanong ko sa kung anong kailangan niya.



"Kakain na." Inform niya sakin.


"Sige ma, bababa na ako." Tugon ko naman sa kaniya. Wala nakong narinig kaya cue ko na yun para lumabas.

  





   

             ⚫  ⚫  ⚫  ⚫  ⚫



Tahimik lang kami sa hapagkainan. Di  din naman sila nagtanong kung bakit namugto mata ko. Di ko alam kung bakit pero good news na yun kasi tinatamad ako sumagot e. Ilang oras pa ang dumaan bago tumikhim si mama. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. Seryoso ang mga mukha nito at di ko mawari kung anong sasabihin niya sa amin, o sa akin.


"Joana, ano kukunin mo sa college?" Tanong nito sa akin. Nilunok ko muna ang pagkain ko bago sumagot.


"Di ko pa po alam." Sagot ko sa kaniya. Napataas naman ang mga kilay nito.



"Anong hindi mo pa alam? Malapit ka na magcollege tapos undecided ka pa? Ano na mangyayari sa future mo? Baka makita na lang kitang nagmamalimos sa ate mo. Di ka na bata ha, ayusin mo plano mo sa buhay." Litanya ni mama saakin. Napabuntong hininga naman ako.

"Masama nga magbuntong-hininga sa harap ng hapagkainan. Ilang beses ko bang sasabihin iyan sayo ha!" Naiinis na sabi niya sakin.



Tahimik lang ako. Pinapakinggan ko naman mga sinasabi niya kaso kapag sumagot ako baka isipin na naman niyang suwail ako. Alam ko namang konti na ang oras ko kaya kailangan ko na pumili ng kurso kaso kapag may napili naman ako ay sasabihin lang niya na mas bagay sakin ang mag-pulis kahit hindi naman talaga ako suited sa ganoong trabaho. Mahina ang katawan ko at di ko kaya ang mga hard works.


"Magpulis ka." Sabi ni mama sakin. Napatingin naman ako sa kaniya.


"Ma, di ako suited sa pagpupulis." Mahinahon kong pinaalam yun sa kaniya.


"Anong pinagsasabi mo jan. Suited ka kaya magpulis ka." Puna nito sa sinabi ko.


"Mahina katawan ko, ma." Sabi ko.


A Typical Cliché StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon