CHAPTER SEVEN

15 4 0
                                    






Joana Palaiyon's POV








                    ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕





Kumakain kami ngayon ng hapunan at ang ulam ay ang paborito ko na fried chicken. Grabe, ang sarap talagang magluto ni ate Claire kaya tuloy ang taba-taba ko na. Char, patpatin pa rin naman ako.

"Nako, anak! Sikat na sikat ka na talaga." pagpupuri ni mama kay ate ypril.

"Ma, hindi pa ako sikat." sabi ni ate ypril kay mama.

"Aysus ginoo." natatawang tugon ni mama.

"Malayo pa ang lalakarin ko." sabi ni ate.

"Ikaw talaga anak. Nafeatured ka na nga sa isang magazine na napakasikat ngayon sa kabataan. Ang ganda kasi ng anak ko." komplemento ni mama kay ate ypril na humagikhik lang.

"Aba'y napakasuccessful na ng beauty queen kong anak. Alam mo ba na habang bumibili ako ng mga gamit sa bahay ay nakita ko ang mukha mong nakapaskil sa billboard. Narinig ko pa nga ang puri ng mga tao sa kagandahan mo." natutuwang sabi ni mama kay Ate Ypril.

"Kumain ka na ma." wika ni Ate ypril.

" Anak, kasal ng kapit-bahay natin bukas at inanyayahan ka na maging isang bridesmaid. Pinakiusapan nga ako kung pwede bang dumalo ang pamilya natin. Hah, mamamatay talaga sa inggit ang Janine na iyon. Hindi naman kagandahan ang anak."  pagbibigay-alam nito kay ate ypril.

"May photo shoot ako tomorrow." naka-ngiwing tugon ni ate ypril.

"Hindi ba pwedeng kanselahin mo muna ang schedule mo bukas?" tanong ni mama.

"No." sagot ni Ate Ypril.

"Ay, ganoon ba anak?"  malungkot na wika ni mama. Tumango lang si ate bilang sagot.


Tahimik lang ako dito sa sulok at nakikinig lang sa pag-uusap nilang dalawa. Mom sounded sad about my sister's reply but I already expected this to happen. Mom just want to brag about my sister kung gaano ito kasuccessful sa mga kapit-bahay namin na kaaway niya.

"Anak, nanalo ka na naman sa isang contest?" tanong ni mama kay ate Claire.

"Yeah." sagot ni ate Claire.

"Napakatalino talaga ng anak ko. Manang-mana ka sa akin." natutuwang pagpupuri ni mama kay ate Claire.

Napakatalented kasi ng ate Claire ko at matalino din ito. She is good at cooking, dancing, singing at computer. Marunong pa itong magtaekwondo. Marami din itong mga medals at trophies while me... Heh, no comment.

"Alam mo noong kapanahunan ko. Ako ang source of answer ng mga kaklase ko. Napakatalino ko kasi at maganda pa ako kaya nga marami akong manliligaw. Naalala ko pa noong inalok ako ng isang US ambassador ng scholarship sa isang elite school sa------." paggugunita niya sa kanyang kabataan na ewan ko kung totoo ba talaga.

"Joana. Malapit ka ng magsenior high. Ano ang kursong kukunin mo?" singit ni ate Claire.

Natawa lang ako sa utak. Mom's at it again. She told us that story about a thousand times. Nakakasawa na kaya nga siya pinutol ni Ate Claire.

Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko na malapit ng matapos ang klase at malapit ng matapos ang junior life ko. I am going to be a senior citizen na!

A Typical Cliché StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon