Joana Palaiyon's POV
⚫ ⚫ ⚫ ⚫ ⚫
Sumapit na ang katapusan ng linggo. Nagkulong lang ako sa kwarto ngayon. Hindi ko kasi feel lumabas. Ilang araw ko na din na hindi nakikita si Zadie kaya mas sumama ang loob ko sa kanya. Hindi man lang niya sinabi sa akin na aalis siya sa ibang bansa. Nalaman ko pa sa ibang tao. Kung hindi ako sinabihan ng mga kakilala ko baka hindi ko na malalaman ever. Nakakaloka itong si Zadie. Nagtatampo ako sa kanya pero hindi man lang niya ako sinuyo. Akala ko pa naman may konti na siyang nararamdaman sa akin but I was wrong.
"Hoy, Joana. Bumangon ka na diyan! May naghahanap sayo." pagpipilit sa akin ni mama.
Pinipilit niya akong bumangon pero kumapit ako nang mahigpit sa bed counter. Hindi niya ako mahila kaya sa huli ay sumuko na lang siya.
"Lalaki ang naghahanap sayo." batid ni mama sa akin. Agad naman akong napatayo nang wala sa oras.
Lalaki kasi sabi ni mama kaya nagbabaka sakali lang ako na si Zadie iyon. Nahimasmasan na ba siya kaya dinalaw na niya ako? Malakas pala talaga ang anit ko kay Zadie.
Bumangon na ako at nagdumiritso sa sala. Nadatnan ko ang isang lalaki kahit nakatalikod ito ay alam ko kung sino ito. I sighed. Nadismaya ako kasi hindi naman si Zadie ang lalaking ito kundi si Tenny. Buwiset lang si mama.
Hinarap ako nito at sumimangot pagkakita sa nakasimangot ko na mukha. Naiiyak tuloy ako. I bite my lips para hindi ako mapaiyak.
"Joana." tawag sa akin ni Tenny.
"Bakit?" I replied.
"Punta tayong beach. Nandoon na sina Shane at hinihintay ka." malungkot nitong wika.
Ganoon ba ako ka-hagard ang face ko.para maging malungkot si Tenny o baka naman sa lakas nang negative energy ko ay nahawa din ito?
"Okay." sagot ko sa kanya. He just smiled a little bit at me.
"Sige na. Nagmamadali tayo."wika ni Tenny. I smiled.
"Alam mo magbespren talaga tayo. Damayan din ng emosyon." sabi ko sa kanya sabay tawa ng malakas.
Nagukat naman ito at napailing na lang.
"Yep." he replied. Nagtaka naman ako.
"Hintayin mo lang ako." sabi ko sa kanya at umakyat na pabalik sa kwarto.
"As always." ani nito kaya napalingon ako sa kanya.
Ako lang ba ang nag-iisip na may meaning sa likod ng salitang iyon? Nah, walang meaning iyon. Binaliw na talaga ako ni Zadie para mag-isip ng ganoong bagay.
Pumasok na ako sa kuwarto at nagbihis. Lumipas ang ilang minuto ay tapos na ako kaya bumaba na ako at pumunta na kami ni Tenny sa beach.
Nandito na kami sa beach at ang dami ng tao ngayon kaya nahirapan kaming hanapin sina Shane.
"Hoooy!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
Lumingon kaming dalawa ni Tenny sa pinanggalingan noon at nakita namin si Dana na kumakaway sa amin.Lumapit na kami sa kanila ay agad naman akong niyakap ng dalawang bruha kong kaibigan. Nagulat ako sa ginawa nila pero ngumiti lang ako.
BINABASA MO ANG
A Typical Cliché Story
ChickLitJoana Palaiyon is a girl with big dreams. Ang pangarap niya sa buhay ay makamit ang inaasam niyang pag-ibig with her ultimate crush na ubod ng sungit na si Zadie Sequeña. Ang lalaking ito ay napaka-aloof pagdating sa kanya pero sa iba ay hindi. Maka...