CHAPTER NINE

8 3 0
                                    







Joana's POV











It is another normal day for me. Kagaya ng nakagawian ay tambay na naman ako sa library kasi ano pa nga ba ang dahilan? Nandito na naman kasi ang love of my life ko na ubod ng sungit na si Zadie Sequeña.

"Hoy, namamansin ka pa ba?" naiirita ko na tanong sa kanya.

"Wag maingay Joana." sita nito sa akin na ikinagalak ng aking munting puso. Ows.

"Zadie, nabalitaan mo na ba na may istudyante daw sa kabilang school ang nagpakamatay." pagsisimula ko sa usapan.

"Not interested." agaran niyang tugon sa akin. Hmp.

"Grabe, nadepressed kasi yung girl dahil sa napakaraming problema sa buhay niya kaya ayon nagbigti." I continued the conversation not minding his reply.

"Zadie,  sa napakaraming problema sa buhay mo ay minsan bang dumaan sa isipan mo ang magpakamatay?" tanong ko sa kanya dahil wala naman akong nakuhang tugon sa kanya.

"No." he answered.

"Ay, bakit 'no'?" tanong ko ulit sa kanya.  His brows furrowed.

"Because it's childish." sagot ni Zadie.

" Bakit naman childish?" tanong ko kay Zadie.

"Stupid. It is childish and selfish because hindi man lang niya naisipan ang mararamdaman ng mga parents niya. Suicide is not an answer to all the problem."  mahabang sagot niya sa tanong ko. Pumalakpak naman ako dahil sa sagot niyang mahaba at concise.

"Stop clapping your hands at baka ay mapalayas na naman tayo." pagsisita nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya ng kay tamis at ngumiti naman ito pabalik.

Zadie and I got closer as days goes by. I am so happy kasi kahit sinusungitan niya ako ay ngumingiti naman siya sa akin paminsan-minsan.  Everyday feels like a dream to me kasi dati-rati ay hindi niya ako pinapansin. Hindi man lang dumaan ng ilang millimeter ang paningin niya sa akin tapos ngayon nagkaeyes to eyes pa nga kami ng ilang minuto.  Binabati niya na ako ngayon pagnakita niya ako. I am so happy that I can't hold back my kilig na nararamdaman. Gosh!













                    ⭕  ⭕  ⭕  ⭕  ⭕











"Joana!" sigaw ni Shane sa aking pangalan.


"Ano ba? Ang sakit non sa eardrums ha." naiinis ko na reklamo kay Shane kasi kung sumigaw parang nakakita ng multo.



"Nalanghap mo na ba?" nakakawerdong tanong ni Shane.



"Ha? Ah, ang amoy ni Zadie ba kamo? Noon ko pa nalanghap girl. Late ka ata sa balita. Haha." Sabi ko sa kanya at tumawa ng pangkontrabida.


"Ikaw ata ang late sa balita Joana." sabi ni Shane.



"Ha?" reaksyon kong walang kwenta.


"Hala ha. Hindi mo pa nga nalanghap ang balita na mag-iibang bansa na si Zadie!"bulgar niya sa akin.


"Ha?" reaksyon kong walang kamuwang-muwang.


"Lilipat na si Zadie ng school next year. Binigyan kasi siya ng offer dahil nanalo siya sa quiz bee competition. Nadiskubre na ng mga tao ang katalinuhang taglay niya kaya mas magiging marami na ang karibal mo. Mga karibal na mga mayayaman, maganda, sexy at flawless pa. Lilipat pa siya ng school sa ibang bansa kaya tiyak na maiinlove ang mga puting kalapati doon at hindi mo pa siya mababantayan kasi nga LILIPAT NA SIYA SA IBANG SCHOOL, SA IBANG BANSA!" Isinawalat ni Shane ang kagimbal-gimbal na balita na ngayon ko lang nalaman. Ang katotohanang hindi ko matatanggap kailan pa man. Charot.



A Typical Cliché StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon