Nine

7.1K 116 11
                                    

( Cleo’s POV  )

“ Drin ! “

“ hmmm? “ ano ba kakausapin ko ba sya? Tss naman kase ee kanina pa di mawala sa isip ko yung pinag-usapan namin ni Lyka. Naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan.

“ Ah..ano kase eh “ hala pano ko ioopen yun? Ang hirap naman nakakakati ng anit  =_______=a

“…ahmm may alam ka bang lugar na pwedeng tambayan muna yung tahimik yung tipong magkakaron ka ng peace of mind yung mga ganun “

“ bakit Cleng? May problema ka ba? “

“ huh?! Naku hindi wala, yaw ko pa muna kaseng umuwi e hehehe “

“ sige tara ! kaw talaga “ ngumiti sya sa akin at ginulo pa ang buhok ko.

Kaya lang bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil muli na naman nyang hinawakan ang kamay ko.HHWW na naman ang drama naming muli. Haaaays kelangan na talaga naming mag-usap.

Wala kong ideya kung saan kami pupunta ni Aldrin, ayaw naman kase nyang sabihin kung saan basta sa breathing space nya daw kami pupunta.Sumakay kami ng Baclaran-Mabini at bumaba kung saan man yung lugar na yun at naglakad-lakad.

“ Ah Drin ito ba yng sinasabi mong breathing space mo? “ tanong ko ng tumigil kami sa paglalakad.

“ hahaha..oo ang korni ko noh? Pero dito kase ko pumupunta kapag gusto ko muna umiwas sa gulo, sa mga away sa mga taong nasa paligid ko” sinilip ko ang mukha nya.Nakita kong nakangiti sya habang tinititigan ang malawak na dagat.Oo andito kami sa Manila Bay sa may Roxas Boulevard.

“ Ewan ko Cleng pero ang saya ko lang kapag nakakakita ako ng dagat ang payapa kase e “ na ngiti ako sa sinabi niya di ko akalain na may ganitong side pala si Aldrin.Nakakatuwa sya.

“ Oo nga e ang sarap tignan lalo na yung mga alon hehe “ tumingin na rin ako sa dagat buti na lang malinis ito ngayon.

“ tara upo tayo dun sa may seaside palubog na yung araw oh magandang view yan “ hinawakan nya ko sa wrist ko at tulad nga ng sinabi nya umupo kami doon para hintayin ang paglubog ng araw.

“ grabe Drin alam mo bang pangarap ko toh yng mapanuod yung paglubog ng araw sa dagat “ tuwang-tuwa ako sa nakikita ko ngayon the famous sunset in Manila Bay :D

“ hahaha ang ganda noh? Ang ganda talaga ng view “  di ko alam pero feeling ko ang lapit ng mukha nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

O______O     

 >/////<

Dugdugdug…dugdugdug

Shemaaaaay uminit ung mukha ko dun ah habang sinasabi nya yun nakatingin pala sya sa akin so ako ba yung sinasabihan nyang maganda ang view?? Kyaaaaaah >////<

I'm In Love with the Bad Boy (Completed)plus SCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon