Eighteen

5.3K 74 6
                                    

*****

"Cleng, w-wala na ang baby mo"

Halos madurog ang puso ni Cleo sa sinabi ng kanyang ina.Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha sa kanyang mga mata.Pilt siyang ngumiti,isang mapait na ngiti.Hinawakan niya ang tyan niya at iniling-iling ang kanyang ulo.

"Hindi..hindi totoo yan" pinunasan ni Cleo ang luha niya pero patuloy lang ang mga ito sa pagbagsak

"..nagsisinungaling kayo,nararamdaman ko andito pa ang baby namin ni Aldrin" Niyakap siya ng kanyang ina,ramdam na ramdam  nito ang sakit na dinadala ng kanyang anak.

"Ma..andito pa yung baby namin diba?..please sabihin mo sa akin na nagsisinungaling ka lang kanina" gusto mang sabihin ng kanyang ina na di totoo ang sinabi niya kanina para mawala na ang sakit na nararamdaman nito pero di niya magawa dahil ayun ang katotohanan....wala na ang bata.

Tanging isang yakap lang ang magagawa niya para madamayan ang anak.

"..mama..ligtas ang baby ko diba?" isinandal nito ang ulo sa dibdib ng ina.

"..baby ligtas ka diba?andito ka pa sa loob ng tyan ko..sasabihin ko pa kay daddy mo ang tungkol sayo ...siguradong matutuwa yun kapag nalaman na niya ang tungkol sayo" di niya tinatanggal ang kamay sa tyan niya.

"...baby pangako,magiging mabuting mommy ako sayo kasi mahal kita,mahal na mahal ko kayo ni daddy Aldrin mo"

"..alam mo ba baby excited na kong makita ka,kaya gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang,lagi na kong mag-iingat...ayokong masaktan ka"

Kumalas na sa pagkakayakap ang ina ni Cleo sa kanya.Labis siyang nasasaktan sa mga sinasabi ng anak.Pinahiran niya ang basang pisngi nito,di na rin niya mapigilan ang maluha sa kalagayan nito.

"anak tama na" pero di siya pinapansin ni Cleo ,nakatingin lang ito sa tyan niya tila ba wala itong naririnig na kahit ano.Nakatuon lang ang atensyon nitosa pakikipag-usap sa pinaniniwalaang ligtas na baby sa sinapupunan niya.

"magiging masaya tayo,tapos kapag lumaki ka na,tuturuan ka ni daddy mo sumayaw kasi alam mo ba magaling sumayaw yun..magaling din kumanta" nangiti ito ng bahagya sa sinabi.

"Ate tama na please" awang-awa na si Clar sa kapatid niya,dalawa na sila ng mama nila ang nagpapatahan dito pero di sila pinapansin ni Cleo.

"Kaya lang baby wag mong tutularan pagiging bad boy ng daddy mo ah..wag kang makikipag-away pero alam mo kahit ganyan ugali nun mahal ako nun at mahal na mahal ko din siya.kaya ka nga nabuo e"

"Cleo,anak tama na,tigil na ha"hinaplos na ng kanyang ina ang nakayukong mukha ng anak.

"..tama na please nakikiusap na si mama sayo"gaya ng kanina,di pa rin siya pinansin ng anak.

"Medyo napaaga nga lang pagdating mo pero di ko pinagsisisihan yun,hinding-hindi"

I'm In Love with the Bad Boy (Completed)plus SCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon