Fourteen

5.7K 69 3
                                    

Waaaahh pagpasensyahan na ang UD ngayon..hindi pa rin ako makarecover sa last scene nila e..Lolz xP

Ang hirap kasing sundan kaya ayan nasasabw ako..sareeeh naman po (_._)

oyaaan say hi muna sa ClengDrin loveteam natin --------->

heeeetoo na ang sabaw na update =______=a

****

Almost one month na lang end of the schoolyear na.Di ko alam kung ano mararamdaman ko,sa t’wing maaalala ko kasi yung mga napag-usapan namin ni papa at mama,nahihirapan ako e.Ayoko na nga dumating yung araw na kung kelan hihiwalayan ko na si Aldrin.

 

Oo,hihiwalayan ko na siya kelangan e,kahit masakit,kahit sobrang sakit.Mas pinili ko ang pag-aaral ko kesa sa kanya alam ko kasing seryoso si papa sa sinabi niya.Madami akong gustong gawin sa buhay ko,madami akong pangarap pero yung isang pangarap ko at yun ay ang makasama si Aldrin parang hindi na pwede.

Humingi ako ng ilang Linggo pa kay papa bago ko tuluyang iwan si Aldrin,sabi ko pagtapos nitong semester na to kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya e,isipin ko pa nga lang ang sakit-sakit na.

Mahal ko si Aldrin,mahal na mahal at mas lalo ko pa siyang minahal pagtapos nung may nangyari sa aming dalawa.Mas lalo akong nahihirapan na hiwalayan siya habang dumadaan ang mga araw.Binigay ko ang sarili ko sa kanya dahil sa kanya lang ako,makikipaghiwalay ako sa kanya pero hindi ko ihihiwalay ang puso ko dahil kanya lang ito, maging ang buong pagkatao ko.

Naalala ko tuloy nung tinawagan niya ko agad nung nabasa niya yung iniwan ko sulat sa side table niya.Halos madurog ang puso ko nun para sa kanya.Wala din akong pinagkaiba sa papa niya,iiwan ko din siya.

*Flashback*

Matapos akong paggalitan nila papa at kung ano-anong masasakit na salita ang narinig ko sa kanila,dumiretso ko agad ng kwarto at doon binuhos ang mga luhang nag-uunahan sa mga mata ko.

Tama ba yung sinabi ko na hihiwalayan ko na si Aldrin?alam kong mas tama na piliin ko yung pag-aaral ko pero bakit ganon?bakit masakit ? bakit mahirap?

Yeogi buteora, modu moyeora 
We gon' party like, lilililalala~
Mameul yeoreora, meoril biwora 
Bureul jjipyeora lilililalala~

Aldrin Calling.....

 


Bumilis yung tibok ng puso ko nang makita kong tumatawag si Aldrin sa akin,pinahiran ko agad yung mga luha sa pisngi ko at inayos ang boses ko bago sagutin ang tawag niya.

“Hi hon” pinilit kong masigla siyang batiin,ayokong mahalata niya na galing ako sa iyak.

(*sigh*) narinig kong nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita.

(..kala ko di mo sasagutin...kala ko iniwan mo na ko)

I'm In Love with the Bad Boy (Completed)plus SCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon