say hi sa magbebest oh,Cleo and Lyka ----->
*****
“bebest,nakapagreview ka na ba sa TOUR 4033?” tanong sa akin ni Lyka nasa cafeteria kami ngayon kumakain ng lunch.
“hindi pa e,mamaya na lang siguro”
“aish,sana madali lang yung finals ngayon noh?”
“asa ka naman,knowing Mrs.Vasquez?”
“kunsabagay”
“anyways may tinda bang ice cream dito Lyks?”
“ewan wala naman yata e..bakit?”
“wala lang gusto ko lang kumain ng ice cream e”
“grabe ka..tonsilitis aabutin mo niyan..kahapon halos makatatlong blizzard ka sa DQ..ano ka ba?naglilihi lang?”
Natigilan ako sa sinabi ni Lyka,lumakas bigla ang kabog sa dibdib ko.Halos di ako mapakali sa kinauupuan ko,ang daming pumapasok sa isip ko.What if kung naglilihi nga ako?These past few days halos araw-arawin ko na pagkain ng ice cream o di kaya mga sweets.Tapos dapat last week pa dumating yung visitor in red ko pero hanggang ngayon wala pa rin.
Shemaaaay,di pwede yun isang beses lang naman namin ginawa yun diba?Tama Cleng wag paranoid,di naman agad magbubunga yun.Isang beses lang naman.
“oh?Cleng anyare sayo?ba’t namumutla ka jan?”
Tinignan ko sa mga mata ang bestfriend ko,kinakabahan ako paano kung..waaaah di pwede yun.
“huy! Ano ba?”
“Lyks natatakot ako”
“huh?! Bakit?” nagtataka siya sa akin,napapansin na siguro niya na kabado ko at hinawakan ko bigla ang tyan ko.
“..ow my G Cleng don’t tell me you and Aldrin?...may gaaawd bebest?” sa tono ng pananalita niya alam na niya ang ibig kong sabihin.
Naiyak na ko ng tuluyan,natatakot ako..anong gagawin ko?
“Cleng?..ano ba?bat’t ka umiiyak jan?..ugh! seriously you did it?”
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya at patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mata ko.
“..bebest ano ka ba?..shemaaaay lang,di ako makapaniwala na magagawa mo yun..ikaw na ilag sa mga lalaki?..Cleo sabihin mo sa akin nagjojoke ka noh?”
“Lyks totoo...we did that.”
“maaaay gawd lang Cleng..ikaw ba yan?”

BINABASA MO ANG
I'm In Love with the Bad Boy (Completed)plus SC
Teen FictionBakit ba sinasabi nila na mali ang mahalin kita?..bakit?..ano ba batayan para malalaman na tama ang minamahal mo? diba kapag tunay at tapat naman ang nararamdaman mo sa isang tao sapat na rason na yun?..bakit ba hindi nila maintindihan yun? puso ko...