Magandang araw sa inyong lahat! At magandang araw din naman sakin. Pero sa totoo lang, medyo hindi nga maganda ang araw ko. First assignment ko ba naman, ang hirap hirap! Di naman ako professional eh, first timer lang ako, pinapahirapan na nila agad ako.
Ano ba naman ang magagawa ko? Wala. Kailangan kong tanggapin yung assignment ko, kasi kung hindi, magiging regular Angel lang ako sa langit. Ayoko nun! Gusto ko may gawin! At gusto ko makapunta sa Planet Earth. So ngayon na magsisimula ang gawain ko bilang isang Cupid.
Yehey! Excited na ko makakilala ng mga tao sa Planet Earth. Sabi ng aming Head Cupid, karamihan daw sa mga taong pupuntahan namin ay mga kabataan. Eh sa isip-isip ko naman, ano ang ibig sabihin ng salitang "kabataan"? Malay ko ba, eh habang buhay naman akong isang bata eh. At habang buhay ko rin gustong maging isang Cupid. Balang araw, magiging Head Cupid din ako.
Sabi ulit ng Head Cupid ko, madali na nga daw yung magiging trabaho ko. Bakit? Pano naman magiging madali ang trabaho ko. Malay ko ba sa mga "kabataan" na yun. Gayunpaman, kahit anong mangyari, kailangan kong masolusyunan 'tong first assignment ko bilang Cupid.
Bago ako bumaba sa Planet Earth, pinaalala sakin ng aming Head Cupid na pagdating sa love, ang mahalaga ay kasiyahan. Kapag natagpuan na namin yung mga taong papanaan namin o pagmamasdan namin, makikita raw namin sila na malungkot pagdating sa pag-ibig. At yun daw ang misyon naming mga Cupid, pasiyahin sila sa love. Dahil sa medyo naguguluhan pa ko, nagtanong ako sa Head Cupid namin.
"Sir! Sir! May tanong po ako."
"O sige, ano iyon? Bilisan mo lang kasi maya't-maya ay ipapadala ko na kayo sa Earth."
"Opo opo. Tanong ko lang: Kapag po ba nakita ko yung mga taong naka-assign sakin na may ka-relasyon na mukhang perfect naman ang sweetness nila, ibig sabihin po ba nun tapos na mission ko? Ang goal ko po ba ay magkaron sila ng partner?"
Biglang tumahimik. Di sumagot si Head Cupid. Tila parang nag-iisip siya? Bakit, mahirap ba yung tanong ko? Hala, kinakabahan ako. Baka ipa-cancel na niya yung journey ko sa Planet Earth.
"Cupid." Sumagot din siya, pero seryoso ang mukha ni Sir. Parang pagagalitan ata ko.
"Ah bakit po?" Nahihiyang sagot ko.
"Nagkakamali ka sa iniisip mo."
"Ha?"
"Hindi dahil may karelasyon na ang isang tao, masaya na siya. Tandaan mo yan."
"Ha," naguguluhan na talaga ko, "eh para san pa po yung pagbaba namin sa lupa kung kahit may karelasyon pala ang isa eh di pa pala happily ever after yun?"
"Yun ang kailangan mong pag-aralan. Bilang unang asignatura mo, kailangan mong obserbahan ang iba't ibang klase ng pagmamahal. Mahirap ang aspeto ng pag-ibig, mapapansin mo iyan sa pagbaba mo sa lupa. Kahit wala o meron na silang kasintahan, kailangan parin nila tayo. Kailangan parin nila ng Cupid. Cupid na gaya mo."
"Ah eh. Sige po." Tumango nalang ako kahit medyo naguguluhanan parin ako.
"Tandaan mo, ang mission mo ay maging masaya sila pagdating sa love. Pag nagawa mo na yun, pwede ka nang bumalik dito at may sorpresa ako sayo."
Nakakatitig nalang ako sa masayang mukha ni Head Cupid. Hindi na ko makasagot kasi pakiramdam ko, mawawala na ko.
At tapos ay...
AAAHHHHHHHH!!!! NAHUHULOG AKOOOOOOOOOO!!!!! AT ANG DILIM!!!!!! AAAAAHHH TULONG!!!!!!!
Nakalimutan kong may pakpak pala ko. At buti nalang ay nabuksan ko iyon habang nasa ere pa ako. Teka? Nandito na ba ko? Nasa Planet Earth na ba ko?
BINABASA MO ANG
Cupid's 11
RomanceIsang di makamove on. Isang hindi pa ready magmahal. Isang naghahanap ng pag-ibig. Isang slow sa pag-ibig. Isang may masalimuot na nakaraan. Isang laging pinipilahan. Isang may perfect relationship. Isang gusto nang makamove on. Isang may magulong r...