"My name is Ryan Santos. I am your daughter's boyfriend."
Whoa there. Grabe yang eksena na yan as in kinakabahan talaga ko. Kausap ko yung tatay ng girlfriend ko. Actually, wala naman talaga sa plano ko kausapin tatay niya, eh ano bang magagawa ko? Tatay ang sumagot eh. I'm fucked up.
3rd year high school ako sa mga oras na yan. Doon sa year na yun rin ako nagkaron ng girlfriend. Her name is Andrea Geronimo, my first girlfriend.
But wait, hindi siya ang unang babae na niligawan ko.
"Ilang months na kayo ng anak ko?"
"2 months ho."
"San mo siya nakilala?"
"Sa text ho."
"DAD!" biglang may sumigaw. Tingin ko si Andrea na yun.
"Hello? Si Andrea na to. Pasensiya ka na ha. Si Daddy kasi humahawak ng phone ko kapag naliligo ko." sabi niya. Shit. Ang ganda ng boses niya talaga.
"Oh. So.... you're... wet? Hmmm..."
"Wag ngayon Ry. Magkikita naman tayo eh." sagot ni Andrea na may malambing na boses.
"Alright. Sige lang. See you later. Love you, An."
"Love you too Ry."
Natatawa ko kapag nagiging horny ako sa phone with Andrea. Ewan ko ba, siguro kasi she's my first girlfriend kaya ang landi ko. Pero so what? Wala naman sa isip ko na magtagal kami eh.
Yep. Wala akong balak patagalin to. Para sakin, having a relationship is just like conducting an experiment. Pag nakuha mo na yung results at findings, it's over. Ganun din samin ni Andrea. Pag nakuha ko na kung anong klaseng babae siya, then ibe-break ko na siya. What's the point of flirting with someone you already know? Syempre, gusto ko sa bagong tao. Sa bagong taste. Sa bagong timpla.
Bzzzt. Bzzzt. Bzzzt.
Nagriring yung phone ko. Shocks. Bakit ngayon pa siya tumawag?
Hayaan ko na nga. Sagutin ko na lang.
"Hello there Ara."
"Hellooooooooo Ryan."
Well yeah, si Ara yung tumatawag. Nililigawan ko.
Mapapamura na ba kayo sa attitude ko? Then go ahead. I'll give you 2 seconds.
So yun, si Ara di niya alam may girlfriend na ako. Si Andrea naman di alam na may 3rd party. I mean, hindi naman kasi talaga 3rd party si Ara. Mas nauna ko lang siya naligawan, mga 6 months ago? Eh peste, naiinip na ko at kating kati na ko magkaron ng girlfriend. Biglang dumating naman si Andrea at sinubukan ko lang ligawan, pero titigilan ko rin naman agad nang sagutin niya ko agad agad! As in agad agad! Mga 2 days after lang ng pagkakakilala namin sa text, KAMI NA AGAD. I was like, what the heck?! Easy to get to ha. Then ayos! Easy come, easy go. At syempre, di ko naman nasabi kay Ara na may niligawan pala ko habang nililigawan ko siya, so di ko nalang sinabi na may girlfriend ako. Tuloy parin ang panliligaw kay Ara, tutal, siya naman talaga ang type ko at hihiwalayan ko na rin si Andrea mga next week.
BINABASA MO ANG
Cupid's 11
RomanceIsang di makamove on. Isang hindi pa ready magmahal. Isang naghahanap ng pag-ibig. Isang slow sa pag-ibig. Isang may masalimuot na nakaraan. Isang laging pinipilahan. Isang may perfect relationship. Isang gusto nang makamove on. Isang may magulong r...