Selfless Heart

42 3 0
                                    

Hi! Ako nga pala si Juliet Del Rosario.

Mahilig ako sa Koreano. K-POP. Super Junior. Bias ko sina Kyuhyun, Yesung at Eunhyuk. Mga asawa ko naman lahat ng taga-SJ eh, pero silang tatlo yung main. Wala na din akong ibang bias group sa KPOP World kundi ang Super Junior lang dahil sa kanila palang eh, solb nako! Then meron din akong mga secret affairs kela Kim Soo Hyun at Song Joong Ki...

Ay wait. Hindi naman pala yun ang mga dapat kong ikwento. Pero basta, tandaan niyo, mahilig ako sa Koreano.

I-describe ko muna sarili ko. Unang una sa lahat, dyosa ako. Capital D-Y-O-S-A. DYOSA! Ang ganda ganda ko kaya kapag nagseselfie, ano aangal pa kayo? Lagi kong sinasabi yan sa mga kaibigan ko sa UE. Minsan nga makiki-epal pa si Bea at makikipagtapatan sa ka-dyosahan ko. Aba syempre di ako makakapayag! Dyosa #1 ako. Si Bea nalang yung Dyosa #2. Tapos minsan nga parang naiirita na sakin yung bestfriend ko sa UE, si Aria. Ang GGSS ko naman daw kasi. Sus, parang siya hindi ah! Kasi kung ako daw Dyosa, siya naman daw Cute.

*pukes*

*vomits*

HAHAHAHAHAHA. Joke lang girl! ILABYUSOMUCH Aria! Mahal na mahal kita alam mo yan! No homo please.

Pero wait nga kasi. Bukod sa Dyosa ako, sige na aaminin ko, I'm not sexy. But I'm hot.

Charot! Hahahaha.

O bakit pati kayo tumatawa? Pinapatawa ko ba kayo? Aba gagu ah. Hahahahaha.

So ayun nga, I'm kinda chubby. Pero the type of cute chubby. Basta, malaman ako... Kain kasi ng kain eh! At, singkit din ako.

Oh bakit parang ayaw niyo maniwala? Seryoso yun. May pagka-singkit talaga ko. May lahing Koreano ata ko. Wow, destiny kami ni Kyuhyun, Eunhyuk at Yesung Oppa!

Saranghae, Oppas !!!!

Ano pa ba? Hmmm... maputi ako. Maliit lang. Pero mas matangkad naman ako kay Aria, wala naman na atang mas liliit pa kay Aria eh.

Labyu girl! Andami mo nang mention sa story ko ha. Iba ka talaga sakin! Naks!

Si Aria naman kasi talaga yung pinaka-close ko saming barkada. Siya yung naiiyakan ko. Nakakasama ko palagi. Nakaka-partner sa mga projects. Kasama sa buhay at school.

Minsan nga, nabanggit ko sakanya na...

"Girl, 'wag ka muna magbo-boyfriend ha! Hintayin mo ko magkaron ng boyfriend. Tapos... ikaw... wag ka na! Magpaka-single ka na forever! Hahahaha."

Yan ang mga sinabi ko sakanya. Hard no? Pero NBSB pa kasi yun si Aria. Ako? Hindi na.

Pero minsan, naisip ko na sana ako nalang si Aria. At least siya, never pa siyang umiiyak dahil sa lalaki. Kahit kailan, 'di siya nahihirapan sa mga sitwasyon niya pagdating sa pag-ibig. Ang dalas ko talaga isipin na...

Sana 'di nalang ako nagmahal.

Para di na rin ako nasasaktan.

Isang lalaki lang naman kasi ang dahilan kung bakit ako umiiyak halos gabi gabi. Isang lalaki na nagparamdam sakin na hindi pala ako tao. Kundi isang multo.

Bakit kamo? Kasi kahit kailan, hindi niya ako napansin.

Hanggang kaibigan mo lang talaga ko no, Danny?

Danny Cruz...

Nakilala ko si Danny nung 2nd year high school palang ako.

Kaibigan siya ng bestfriend ko na si Celine na sa CEU na nag-aaral ngayon, pero best friend ko padin naman siya.

Transferee si Danny nung high school, kaya wala pa siya masyadong kakilala sa amin kundi si Celine lang. Magkapitbahay kasi silang dalawa eh. Siguro inalok lang ni Celine na sa highscool nalang namin mag-transfer si Danny. Tahimik siya noon, may pagka-emo na ewan. Maputi, mas matangkad lang ng ilang inches sakin, at laging may headset. Never ko pa talagang nakikita si Danny na walang headset. Siguro that's his way of coping up in highschool - through music.

Cupid's 11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon