Dahil sa pagod na naman ako, sinubukan ko lang ulit matulog sa ilalim ng puno sa University of the East. Tutal naman ay may klase pa sila, siguro naman di ko rin maoobserbahan ang mga Targets ko kasi nag-aaral sila eh.
Yun ay kung nag-aaral ba talaga sila.
Habang hinihintay ko sila na matapos ang mga klase nila, natutulog ako at nagkaroon ako ng isang panaginip. Pero alam ko sa sarili ko na hindi iyon panaginip na gaya ng nangyayari sa isang tao. Pakiramdam ko kasi totoo, kasi may kumakausap sakin. At kinakausap ko din naman siya - si Head Cupid.
Nakita ko si Head Cupid na may mga tinuturuang mga batang Cupid. Gaya ng dati, Latin ulit ang tinuturo niya. Inistorbo ko muna siya para maka-usap ko naman.
"Sir. Salamat at pinadali mo nalang ang trabaho ko! Iisang grupo lang naman pala sila eh, di niyo sinasabi." sabi ko.
"Isa talaga iyon sa mga sorpresa ko sayo, Cupid." sagot naman ni Head Cupid.
"Tapos eto pa, kaya naging madali ang trabaho ko kasi may 3 lalaki sa barkada nila, so bale, pwede ko silang ipares sa 3 babae. Dun sa mga matitira, hahanapan ko nalang sila ng partner sa university nila. Tapos dun naman sa dalawang may ka-relasyon, pwede ko nalang panain yung mga boyfriend nila para syempre, mahalin nila yung mga partners nila forever and forever. Nga po pala, asan na ba yung mga pana ko? Wala pa po kayong binibigay sakin eh. Pero gayunpaman, kita niyo? Sabi na nga ba eh, kaya kong padaliin ang trabaho ko. Simple lang." sabay kindat sakanya.
Uh-oh. Mukhang di ata nagustuhan ni Head Cupid yung mga pinagsasabi ko. Bakit ba kasi parang ang kulit ng version ko sa panaginip na 'to? Pero mukhang ayun din naman talaga ang mga sasabihin ko eh.
"Cupid."
"Opo?" nahihiyang sagot ko.
"Hindi mo pwedeng gawin lahat ng iyon. Ang pag-ibig, hindi iyan minamadali. Hindi mo pwedeng ipares si ganito kay ganyan, at pagkatapos ay magiging sila na kaagad. Ang pagmamahal ay isang proseso kung saan hindi nangyayari sa isang iglap lamang. Cupid, 'wag mo silang madaliin. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit di ko pa binibigay sayo ang mga pana mo, dahil alam ko na paglalaruan mo lang ang mga ito. Ibibigay ko rin ang mga iyon sayo sa takdang panahon. Tandaan mo, kapag ginawa mong mabilis ang pag-ibig nila, mabilis din ito matatapos. Hayaan mo na malaman nila kung sino ba ang nararapat sa kanila, o kung ano mga dapat nilang gawin sa mga buhay pag-ibig nila. Hindi dapat tayo manghimasok sa kanila, tulong lang ang dapat nating ibigay, hindi pagkontrol sa mga puso't isip nila."
Wise words galing kay Head Cupid. Wala akong masabi grabe. Tumango nalang ako at nagtanong pa ulit. Ang kulit ko talaga.
"Eh pano ko po sila makikilala kung hindi naman nila ko nakikita o nakaka-usap man lang? Paano ko sila matutulungan?" matagal ko nang gustong itanong iyon sakanya, kaya lang ang alam ko kasi hindi na kami magkikita ni Head Cupid. Pero di ko naman akalain na makaka-usap ko pala siya dito sa panaginip.
"Kailangan mong mag-isip ng mabuti. Parang pag-ibig lang, dapat, pinag-iisipan ng mabuti at hindi lang basta basta kilos. Cupid, tungkol sa tanong mo, hindi ko maisasagot ng diretso iyon. Basta, ibabalik ko lang sayo ang tanong. Dalawang tanong na kapag nasagot mo na, malalaman mo na kung ano ang dapat mong gawin."
"Ano po iyon?" tanong ko. Pahirap naman 'to si Head Cupid oh. May paligoy-ligoy pa.
"Kung di ka nila makita, ano ang dapat mong gawin para makita ka nila? Pangalawa, kung di mo sila maka-usap para malaman mo ang storya nila, ano ang kailangan mong buksan sakanila?"
BINABASA MO ANG
Cupid's 11
RomanceIsang di makamove on. Isang hindi pa ready magmahal. Isang naghahanap ng pag-ibig. Isang slow sa pag-ibig. Isang may masalimuot na nakaraan. Isang laging pinipilahan. Isang may perfect relationship. Isang gusto nang makamove on. Isang may magulong r...