May tumutulong luha sa pisngi ko.
Grabe. Hindi ata kinaya ng puso ko yung storya ni Juliet. Ang bigat sa dibdib. Nakakaawa. Bakit ba kasi may mga lalaking tulad ni Danny?
Nakabalik na ko sa realidad at nahirapan ako dumilat. Pakiramdam ko kasi di ko pa kaya makita si Juliet. Baka bigla ko nalang siyang yakapin sa sobrang pagkadama ko sa storya niya.
Teka, ilang minuto na ba ang lumipas?
"Uy bata! Bitawan mo na ko please. Huhu. Nakakatakot ka naman."
Pagbukas ng mga mata ko, nakita ko na parang natatakot si Juliet. Hindi na ko nagtaka. Syempre, sino ba naman di mawiwindang kapag hinawakan ka ng matagal ng isang pulubi?
Uy, "nawiwindang"? Bakit nagamit ko yung salitang yun? Nakakatuwa naman. Galing kay Juliet yun eh.
"Ay Ate Juliet sorry po. Pasensiya na." sabi ko na nahihiya.
"Ano ba ginagawa mo kanina? Ang weird mo naman. Mga halos 5 minutes mo atang hinawakan kamay ko tapos nakapikit ka pa. Okay ka lang ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" sabi ni Juliet.
5 minutes lang lahat yun? Hala? Di naman ako makapaniwala. Parang pakiramdam ko kasi mga 30 minutos ko nang hawak ang kamay niya. Ang galing naman, lahat ng memories ni Juliet nagdaan ng mabilis sakin, sa paraang naiintidihan at nararamdaman ko.
"Sorry po talaga Ate Juliet."
"Pano mo alam yung pangalan ko? Teka, stalker ka ba? Halaaaaaa. Tsaka alam mo, nung hinawakan mo yung kamay ko, nakaramdam ako ng-"
"Juliet!"
Biglang napatigil si Juliet kasi may tumawag sakanya.
"Oh andyan ka na pala!" sabi niya.
Si Danny Cruz. Ang lalaking naging dahilan ng pagiging martyr ni Juliet. Ang dahilan kung bakit nasasaktan si Juliet. Naiinis ako sakanya, bakit ganon?
"Sino naman yung batang yan? Wow, nakikipagkwentuhan ka na pala sa mga pulubi ngayon ah." sabi ni Danny na may tawa pagkatapos.
"Gagi hindi. Tara na nga. Uuwi na ba tayo?"
"Mamaya na. Kain muna tayo."
"Kain na naman? Eh kakakain ko lang kanina eh!"
"Sige na. Samahan mo ko. Nagugutom ako." sabi ni Danny at hinila na palayo si Juliet.
Nung lumayo si Juliet, lumingon sya sakin. Tinignan niya ko at napansin ko sa mukha niya na parang may mga gusto pa siyang sabihin. Nabitin kasi siya kanina nung tinawag siya ni Danny. Ano kaya yung naramdaman niya habang hinawakan ko yung kamay niya?
Sinubukan ko silang sundan. Pero napatigil ako kasi magmumukha akong─gaya nga lang ng nabanggit ni Juliet─isang stalker. Ibig sabihin nito, kailangan di muna nila ko makita para di sila makapansin na sinusundan ko pala sila. Pero magagawa ko lang yun kapag isa akong Cupid. Eh ngayon, isa akong tao. Pano ako babalik sa pagiging isang Cupid?
Inisip kong mabuti ang gagawin ko. Kung naging tao ako sa pagsasabi ng mga Latin na mga salita... makakabalik ako sa pagiging isang Cupid kung magsasalita din ako ulit ng mga Latin. Pero ano naman ang mga sasabihin ko?
BINABASA MO ANG
Cupid's 11
RomantiekIsang di makamove on. Isang hindi pa ready magmahal. Isang naghahanap ng pag-ibig. Isang slow sa pag-ibig. Isang may masalimuot na nakaraan. Isang laging pinipilahan. Isang may perfect relationship. Isang gusto nang makamove on. Isang may magulong r...