Magandang araw sa inyong lahat! At magandang araw din naman sakin. Kagigising ko lang at di ko namalayan na nakatulog pala ako. Siguro sa sobrang pagod narin. Nang maimulat ko na nang maigi ang mga mata ko, nakita ko na lumiliwanag na. Pero wala paring tatalo sa liwanag kung saan ako nanggaling. Muntik ko ng makalimutan na nasa Planet Earth pala ko. At eto na ang 2nd day ko dito. Isa akong Cupid, na may target na 11 na tao. Tama! Tatawagin ko silang TARGETS ko.
Ang hirap talaga. Di pa ako nakakatayo at nagsimula na namang gumalaw ang mga pakpak ko. Ano ba naman to. Di na ba ko pwedeng gumalaw ng sarili ko? Ganito ba ang trabaho ng isang Cupid?
Nagsisimula palang ang araw ko at lumilipad na ko. Ngayon na maliwanag na, mas nakikita ko na kung ano ang itsura ng Planet Earth. Masasabi kong andaming polusyon dito. Tama nga sinabi ni Head Cupid. Yung mga usok ng mga sasakyan naaamoy ko pa kahit nasa himpapawid na ko. Hindi nga healthy dito, tingin ko. Ngunit, kung may isang bagay lang na nagugustuhan ko dito, ay iyong bagay na nakita ko kahapon. Yung CELLPHONE!! Namangha talaga ako sa kung paano gumagana iyon at kaya pala magsalita ng tao gamit iyon. Ang galing talaga.
Dahil sa kung ano ano ang naiisip ko sa 2nd day ko, di ko namalayan na tumigil pala ako sa lugar na tinatawag na "LRT Station". May mga mahahabang riles siya. Napalapit ako sa dalawang tao...
Teka? Sila sina... Ano nga pala pangalan nila? Pano nangyari 'to? Magkakilala pala sila? Yung isang babae ay yung umiiyak kagabi sa harap ng cosplay materials niya at yung lalaki ay yung payat na nakita ko sa bookstore. Ginawa ko nalang ang dapat kong gawin kahit na naguguluhan parin ako — ang makinig sa kanila.
"Oh kamusta yung weekend mo? Tell me, umiyak ka na naman ba? It has been half a year since nag-break kayo ni Richard." sabi ng lalaki. Ngayon, sa tingin ko, sa pag-uusap nila, unti-unti kong malalaman ang mga storya nila.
"Ah, wala. Lumabas lang kami ng family ko. Ano ba, naka-move on na ko Ryan. Kalimutan na natin siya." sabi ng babae. Nagulat lang ako at nagsinungaling siya. Eh nakita ko siyang umiyak kagabi eh.
Bumukas na ang pintuan ng tren at pumasok na ang dalawa. Patuloy parin silang nag-uusap.
"Sure ka lang ha? Bestfriend mo ko, so dapat sure ka. Nako, Angel."
"Ano?"
"Tumingin ka nga sa mga mata ko. At aalamin ko kung nakamove on ka na ba talaga kay Richard."
Pero mukhang walang narinig si Angel. Angel pala ang pangalan ng babae at Ryan naman sa lalaki.
"Ang sabi ko.." uulitin sana ni Ryan ang sinabi niya.
"Ryan, masama ba kung..." pabitin ni Angel.
"Kung ano?"
"Masama ba kung nararamdaman ko paring mahal ko pa siya? I mean, hindi naman kasi madaling mag-move on eh. 4 years din naging kami. Hindi naman syempre madaling kalimutan yun."
"May magagawa ba ko kung mahal mo pa siya? Basta, advice ko lang sayo, if it takes time to move on, then it takes forever to remember the memories. Kaya kung di ka pa mag-momove on ngayon, mas tatagal maging intact sayo ang sakit at alaala. Okay?"
Ang galing naman magsalita ni Ryan. Nakikita ko sa mga mata ni Angel na halos paiyak na siya. Niyakap siya ni Ryan, at kasabay nun ang paglipad ng pakpak ko.
BINABASA MO ANG
Cupid's 11
RomanceIsang di makamove on. Isang hindi pa ready magmahal. Isang naghahanap ng pag-ibig. Isang slow sa pag-ibig. Isang may masalimuot na nakaraan. Isang laging pinipilahan. Isang may perfect relationship. Isang gusto nang makamove on. Isang may magulong r...